GF ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio, kinuha umano ng mga armadong lalaki sabi ng pulis

GF ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio, kinuha umano ng mga armadong lalaki sabi ng pulis

- Kinumpirma ng pulisya na dinakip ng mga armadong lalaki ang girlfriend ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio

- Bukod kay Meyah, kinuha rin umano ang isa pang kaanak nito mula sa kanilang compound

- Patuloy sa imbestigasyon ang pulisya at sa paghahanap ng witness sa insidenteng nangyari

- Mismong ang mga kaanak umano ni Meyah ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila hindi pa nga natatapos ang mga hindi inaasahang pangyayari matapos ang pagpanaw ng lady driver na si Jang Lucero.

Nalaman ng KAMI na ngayon naman ay nabalitang dinakip umano ng mga armadong lalaki ang nobya ni Jang na si Meyah Amatorio.

GF ni Jang Lucero na si Meyah Amatorio, kinuha umano ng mga armadong lalaki sabi ng pulis

Larawan mula sa Facebook ni Jang Lucero
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng GMA News Online, kinumpirma ni Laguna Police Public Information Office chief Police Lieutenant Colonel Citadel Gaoiran na kinuha ng hindi lalampas na sampung armadong mga lalaki si Meyah at ang isa niya pang kaanak.

Nangyari umano ang insidente sa kanilang compound sa Bay, Laguna bandang 12:20 ng tanghali.

"Based po sa report ng Bay, allegedly about mga 12:20 p.m. doon sa may Barangay Calo... ito pong si Adrian Ramos y Amatorio at si Meyah Amatorio ay diumano dinukot ng sampung mga kalalakihan,” sabi ni Gaoiran.

Ayon sa pulisya, mismong mga kaanak ni Meyah ang nagbigay ng impormasyon sa mga pulis. Sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan pa rin ang pangyayari.

Naghahanap pa ng saksi ang mga pulis sa pangyayaring ito at nangangalap din sila ng mga CCTV na maaaring makatulong sa imbestigasyon.

Iimbestigahan din kung ang pagdakip kay Meyah ay may kinalaman ba sa pagpatay sa girlfriend nitong si Jang.

"Tinitingnan po natin kung related ba ito o ano 'yung motibo," sabi ng pulis.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nagsimula ang kaso para sa hustisya ni Jang Lucero, 34 anyos, matapos siyang mamataang patay sa loob ng kanyang kotse noong June 28 matapos niyang magsimulang maging driver bilang sideline.

Samantala, hiniling naman ng pamilya ni Jang na isama sa imbestigasyon ang kanyang girlfriend na si Meyah. Madiing tinanggi rin ni Meyah na sangkot siya sa pagkamatay ng kasintahan niya.

Ang kinilalang si Ann Shiela Belarmino naman ang pinaghinalaang suspek sa pagpatay kay Jang. Subalit, pinalaya ito ng mga pulis.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel