John Regala, 15 araw nang ‘di makakain at binahagi ang mga matinding pinagdadaanan sa buhay

John Regala, 15 araw nang ‘di makakain at binahagi ang mga matinding pinagdadaanan sa buhay

- Muling naging viral ang nakakaawang kondisyon ngayon ng action star na si John Regala

- Kinumpirma ng aktor na siya nga ang lalaki sa nasabing viral post

- Kwento ng barangay health officer, 15 araw na raw hindi nakakakain ang aktor dahil sa sakit nito

- Aminado naman si John na mahirap ang mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kamakailan ay muling naging viral sa social media ang Pinoy action star na si John Regala.

Nalaman ng KAMI na matindi ang sakit na iniinda ng actor at ang kanyang mga pinagdadaanan.

John Regala, 15 araw nang ‘di makakain at binahagi ang mga matinding pinagdadaanan sa buhay

Photo from Flickr
Source: UGC

Ayon sa ulat ng "24 Oras", kinumpirma ng action star na siya nga ang lalaki sa naging viral na post na humihingi ng tulong. Aniya, hinihintay niya ang kaibigan niyang nurse na magbibigay umano ng gamot sa kanya.

Kwento naman ng barangay health officer na si Rose Villajin, nakausap niya ang actor nang kumustahin niya ang kalagayan nito. Umamin umano si John na siya ay may liver cirrhosis at 15 days na siyang hindi makakain dahil sinusuka rin daw niya ito.

“Tinanong ko, ‘Sir ano po ba ang problema?’ ‘Ma’am, may liver cirrhosis po ako, may tubig po ang tiyan ko, bloatedness po ako at hindi po ako kumakain ng 15 days,'” sabi ni Rose.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa panayam naman sa aktor, inamin niyang matindi ang kanyang pinagdadaanan ngayon. Hanggang sa ngayon ay nagluluksa pa rin siya sa pagkawala ng kanyang nanay. Bukod pa rito ay nagkaproblema rin siya sa pera at pamilya.

“Tapos ‘yung pagkawala niya, tapos nagkaroon kami ng problema ng asawa ko. Kung simpleng taong, hindi makakayanan ang ratsada ng problema na kinakaharap ko ngayon,” naiiyak na sabi ni John.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si John Regala ay kilala bilang kontrabida sa mga pelikula at palabas sa TV. Noong 2011, nanalo pa siya bilang Best Supporting Actor sa Metro Manila Film Festival dahil sa kanyang pag-arte sa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story.

Noong 2017, umani na ng atensyon ang aktor sa social media dahil nag-viral ang kanyang larawan na tumaas ang blood pressure niya.

Nitong 2020 lang pumanaw ang kanyang nanay na si Ruby Regala. Umapela naman ng tulong ang aktor mula sa mga TV networks at pati na rin kay Coco Martin.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel