Anak, tinalikuran ang trabaho para personal na maalagaan ang kanyang ina

Anak, tinalikuran ang trabaho para personal na maalagaan ang kanyang ina

- Umantig sa puso ng marami ang kwento ni Sheila na buong pusong inaalagaan ang kanyang ina na may Parkinson's disease

- Tinalikuran daw ng anak ang pagtatrabaho upang siya mismo ang mag-alaga sa inang di na makakilos

- Dala ng kasalatan sa salapi, nagawa nitong makipag-barter ng tanim na suha upang mayroon silang makain at maipambili ng gamot ng kanyang ina

- Nalulungkot siyang hindi niya masuklian ang maayos na buhay na ibinigay sa kanya ng ina noong kalakasan pa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, tinalikuran ang trabaho para personal na maalagaan ang kanyang ina

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho source: Facebook
Source: Facebook

Kahanga-hanga ang pagmamahal at pagmamalasakit ng anak na si Sheila Rapada sa kanyang anak na si Nenita.

Nalaman ng KAMI na iniwan pa talaga ni Sheila ang kanyang trabaho upang personal na maalagaan ang kanyang inang may Parkinson's disease.

Ngunit dala ng pandemya mas lalong naging mahirap ang kalagayan ng mag-ina na madalas na walang makain at ang masaklap, nauubusan na rin ng gamot ang ina.

Dahil dito, naisipan ni Sheila na sumali sa online barter community upang maipalit ang tanim nilang suha.

Ito raw ang natatanging meron silang mag-ina na maari nilang ipalit. Nang malaman ng mga ka-barter ang dahilan at nakita rin ang kalagayan ng inang si Nenita, dumagsa ang tulong sa kanila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Minsan, sobra pa sa inaakala ni Sheila ang ipinapalit sa suha nila.

Nang malaman din ito ng founder ng online barter community sa Bacolod, nagpadala pa ito ng tulong sa mag-ina.

Hirap man sa kanyang kalagayan, nakuha pa ring magpasalamat ni Nenita sa biyayang natanggap nila.

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Sheila na nadudurog ang puso pag nakikita ang ina.

Nahihiya raw kasi siya rito dahil noong kalakasan pa nito, labis ang sakripisyong nagawa nito sa kanilang pamilya.

Pakiramdam ni Sheila, hindi niya nasusuklian ang magandang buhay na ibinigay noon sa kanya ng kanyang ina.

Ang tangi niyang magagawa ay ang alagaan at pagmalasakitan ang ina habang ito ay kapiling niya.

Ipinagpapasalamat naman daw ito ni Nenita na mahal na mahal ang anak.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento mula sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho:

Matatandaang sina Sheila at Nenita ang una nang naibahagi ng KAMI kung saan dala ng kahirapan ng sitwasyon sa ngayon ay nagawang mag-barter ng pomelo.

Kahanga-hanga ang pagmamahal ng mag-ina sa isa't isa na di naman nalalayo sa kwento ng mag-inang sina Jarolyn at Vincent na sabay na nakipaglaban sa COVID-19.

Talagang ninais ni Jarolyn na magkaroon ng COVID para lang personal niyang maalagaan ang anak na may special needs. Alam niya kasing mahihirapan ito kung hindi siya mismo ang mag-iintindi dito sa ospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel