Raffy Tulfo, tinabla ang reklamo ng 1 lalaking COVID-19 positive

Raffy Tulfo, tinabla ang reklamo ng 1 lalaking COVID-19 positive

-Sa halip na tulungan sa kanyang reklamo ang isang lalaking COVID-19 positive, inalok na lamang ito ni Raffy Tulfo ng ayuda

-Batay kasi sa pahayag ng presidente ng Home Owners Association na inireklamo ng lalaki, naging pasaway umano ito

-Inilapit kasi ng complainant ang reklamo nito laban sa HOA matapos simentuhin ang gate na kanilang lagusan sa kanilang subdibisyon

-Ngunit nadiskubre ni Tulfo na ang sinemento pala ay ginawa lamang ng pamilya ng lalaki upang may lagusan sila papasok at palabas sa subdibisyon matapos itong i-lockdown dahil sa COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa halip na tulungan ang reklamo ng isang lalaking complainant laban sa inireklamo nitong Home Owners Association, inalok na lamang ng tulong para sa kanyang sakit ang lalaki ni Raffy Tulfo.

Raffy Tulfo, tinabla ang reklamo ng 1 lalaking COVID-19 positive

Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

Ang complainant kasi ay umaming isa siyang COVID-19 positive.

Inilapit nito ang reklamo laban sa HOA na sinementuhan daw ang lagusan nila palabas at papasok sa kanilang subdibisyon.

Pero hindi na ito pinatapos pa ni idol Raffy matapos malaman ang panig ng HOA.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon naman sa presidente ng HOA na si Erick Dela Cruz, naging pasaway umano ang pamilya ng lalaki.

Niliwanag din nito na ang kanilang sinemento ay dating pader na ginawan lamang ng gate ng pamilya ng lalaki upang may labasan o pasukan ang mga ito matapos i-lockdown ang kanilang subdibisyon dahil sa COVID-19 pandemic.

Mayroon na rin daw kasing nag-positibo sa kanilang lugar kaya naman para mapangalagaan ang mga residente ay inaksyunan na nila ito.

Sinuportahan naman ng barangay ang pahayag ni Dela Cruz.

Itinanggi naman ng lalaking complainant na naging pasaway sila at sinabing ini-lock na nila ang nasabing gate.

Hindi naman napigilan ni Tulfo ang magpaalala muli sa publiko na huwag maging pasaway upang hindi na kumalat pa ang virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.

Kilala ito dahil sa kanyang public service.

Kamakailan, isang babaeng complainant ang nabuking ni idol Raffy na nagsisinungaling laban sa inirereklamong ex!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel