Sikat na vlogger, namigay ng tablet sa mga estudyante para makapag-online class

Sikat na vlogger, namigay ng tablet sa mga estudyante para makapag-online class

- Patuloy sa pamamahagi ng biyaya ang Syrian vlogger na namamalagi sa Pilipinas na si basel Manadil

- Ngayon, naisipan naman niyang bilhan ng mga tablet ang ilang mag-aaral upang makasabay ito sa online classes na isang alternatibong paraan ng pag-aaral sa darating na pagbubukas ng klase

- Hindi makapaniwala ang mga nabigyan ng vlogger na labis ang kasiyahan dahil hindi na sila mamumroblema sa magagamit sa klase

- Marami-rami na ring natulungan ang vlogger na ito kaya naman marami ang humahanga sa kabutihang pinakikita niya sa mga Pilipino kahit pa hindi naman talaga siya tubong Pilipinas

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sikat na vlogger, namigay ng tablet sa mga estudyante para makapag-online class

Source: Basel Manadil "The Hungy Syrian Wanderer" source: Facebook
Source: Facebook

Muli na namang namahagi ng biyaya ang napakabait at matulungin na Syrian vlogger na si Basel Manadil.

Nalaman ng KAMI na sa pagkakataong ito, mga mag-aaral naman ang nais tulungan ni "The Hungry Syrian Wanderer" partikular na ang mga kabataang walang sapat na pambili ng gadget para sa kanilang online classes.

Sa darating na Agosto 24, isa sa mga alternatibong pamamaraan ng pag-aaral partikular na sa Metro Manila kung saan mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 ay ang online classes.

Ngunit dahil hindi naman lahat ng mag-aaral ay may kakayanang magkaroon ng smartphone man lang at internet connection, ang ilan ay nangangambang hindi sila makasasabay sa bagong pamamaraan ng pag-aaral.

Kaya naman handa na namang tumulong si Basel sa ilang piling mag-aaral na deserve na magkaroon ng tablet at iPad na magagamit nila sa klase ngayong taon.

Sa pakikipagtulungan ng vlogger sa Globe kung saan isa na siyang endorser, ginamit niya ang kanyang talent fee upang makabili ng gadgets na kanyang ipamamahagi.

Naisip daw niyang imbis na sarilihin ang kinita, nilaan pa rin niya ito upang makatulong partikular na sa mga kabataang namumroblema sa pagbubukas ng klase.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, marami talaga ang mas lalong humanga kay Basel dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit na ibinibigay niya sa mga Pinoy kahit pa hindi naman siya tubong Pilipinas.

Madalas na content ng kanyang mga vlog ang pagtulong. Kahit pa sa mga taong nadaanan lamang niya lalo na ngayong panahon ng pandemya ay labis na niyang natulungan.

Maging ang mga empleyado niyang maayos na nagtatrabaho sa kanya ay di niya pinababayaan at patuloy niyang ginagantimpalaan.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kilala si Basel Manadil bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' na likas na matulungin sa mga Pilipino. Malapit daw talaga sa puso niya ang mga Pinoy kaya naman ganoon na lamang ang pagtulong niya sa kapwa sa itinuturing niyang pangalawang tahanan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel