Netizen, viral ang binahaging kakaibang aquarium na gawa sa kabaong ng kapitbahay nila

Netizen, viral ang binahaging kakaibang aquarium na gawa sa kabaong ng kapitbahay nila

- Ang isda nga ay pangkaraniwang alaga sa bahay ng mga Pilipino dahil madali itong alagaan

- Kaya naman, ibinahagi ng isang netizen ang naging kakaibang aquarium ng kanilang kapitbahay

- Nagulat ang netizen dahil ang akala niya ay may lamay na sa kanila pero ginawa pala itong aquarium

- Kanya-kanyang reaksyon naman ang mga netizens sa naging kakaibang aquarium na ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang litrato ng isang netizen na tila kakaiba ang laman ng kabaong sa bahay nila.

Nalaman ng KAMI na ginawa pala ng kapitbahay nilang aquarium ang kabaong dito.

Netizen, viral ang binahaging kakaibang aquarium na gawa sa kabaong ng kapitbahay nila

Larawan mula sa Facebook page ng Papa
Source: Facebook

Ayon sa Facebook post ng page na Papā, makikita sa litrato na tila may tubig at mga halaman na ang kabaong.

“Ano ba naman ‘tong kapitbahay namin. Akala ko may lamay. Hahahahaha! Aquarium pala,” sabi sa post.

Kanya-kanyang komento ang mga netizens sa kakaibang kabaong na ito. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook page:

“Magandang aquarium ‘to”
“aquarium ba kamo? say no more”
“Very resourceful!”
“wala naman masama pero nakakatakot kasi”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang kabaong nga ang lagayan ng mga bangkay kapag ito ay ibuburol o ililibing. Kaya naman, natawa ang mga netizen nang makitang ginawa itong aquarium.

Isa nga ang mga isda sa karaniwang alagang hayop ng mga Pilipino sa kanilang mga bahay. Ito nga ay dahil madali ring alagaan ang mga ito.

Samantala, naulat naman ng KAMI kamakailan ang isa pang nag-viral na post kung saan kita ang pulis na tila may kakaibang tinatago sa kanyang motorsiklo.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel