Raffy Tulfo, bumaligtad nang madiskubre ang "kalokohan" ng complainant

Raffy Tulfo, bumaligtad nang madiskubre ang "kalokohan" ng complainant

- Hindi pinanigan ni Raffy Tulfo ang isa sa mga complainant sa kanyang programang 'Raffy Tulfo in Action'

- Ito ay matapos madiskubre ang ginawa umano ng kapatid nito sa SK Kagawad na nauna nitong inireklamo sa RTIA

- Bukod kasi sa mga below the belt na posts ng mga ito sa social media laban sa kagawad, inireklamo rin ng huli ang diumano'y pangungulam sa kanya ng mga ito

- Nakahanda namang magpatawad si SK ngunit nagmatigas ang complainant na hindi sila hihingi ng tawad dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tila nabanas si Raffy Tulfo matapos madiskubre ang ginawa ng isa sa kanilang mga complainant sa Raffy Tulfo in Action.

Hindi nga pinanigan ni idol Raffy ang nagrereklamong ginang na si Crisanta Mercadejas nang mapag-alaman mula sa SK Kagawad na inirereklamo nito ang pinaggagawa ng mga ito rito.

Raffy Tulfo, bumaligtad nang madiskubre ang "kalokohan" ng complainant

Photo from Raffy Tulfo in Action Facebook page
Source: Facebook

Ayon kay SK Kagawad Jessa Avila ng Barangay 14 sa Caloocan, bukod sa mga larawan niya na ipinost ng mga ito sa social media na mayroong below the belt na captions, inirereklamo rin nito ang diumano'y pangungulam ng mga ito sa kanya.

Sabi naman ni Mercadejas, nag-ugat daw ang pang-aakusa nito sa kanila ng pangungulam nang mag-post ang kanyang kapatid ng larawan ng manika na mayroong karayom at kandila.

Pero itinanggi nito na para kay Avila ang nasabing post ng kapatid.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Inireklamo din ng ginang ang pamimilit ni Avila na mag-public apology at lumuhod sila sa harap nito. Maging ang hinihingi nitong P8,000 ay inalmahan din nila.

Pero ayon kay Avila, hinihingi lamang niya ang kanyang mga nagastos matapos magkasakit dahil sa diumano'y pangungulam ng mga ito.

Ayon naman kay Tulfo, hindi dapat humingi si Avila ng pera sa pamilya ni Mercadejas at sa halip ay hayaan na lamang ang batas ang humatol dito lalo pa at malinaw na paninira ang ginawa ng mga ito base sa mga ebidensiyang hawak ni SK.

Si Avila naman, nakahanda naman daw magpatawad basta mag-public apology lamang ang ito sa social media kung saan siya siniraan ng mga ito.

Sabi naman ni Mercadejas, wala siyang alam sa mga posts ng kanyang kapatid kahit pa nga naka-tag ito sa kanya sa Facebook.

Iginiit din nito na hindi sila hihingi ng tawad kay Avila dahil wala raw silang kasalanan dito.

Nakahanda namang magharap muli ang mga ito sa kanilang barangay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.

Kilala ito dahil sa kanyang public service.

Kamakailan, isang babaeng complainant ang nabuking ni idol Raffy na nagsisinungaling laban sa inirereklamong ex!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel