COVID-19 cases sa bansa, muntik nang malampasan ang bilang ng China ngayong araw

COVID-19 cases sa bansa, muntik nang malampasan ang bilang ng China ngayong araw

- Magkasunod na ang Pilipinas at China sa dami ng naitalang COVID-19 sa kani-kanilang bansa

- Ika-26 ang China habang ika-27 na ang Pilipinas na pareho ng may lampas 83,000 na kaso

- Tinatayang 300 na lamang na karagdagang bilang at malalampasan na ng Pilipinas ang China

- Halos araw-araw ay hindi na bumaba sa 1,000 ang naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa kaya malaki ang posibilidad na bukas ay mauungusan na natin ang China sa dami ng nadagdag na bilang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 cases sa bansa ngayong araw, halos malampasan na ang bilang ng kaso sa China

Source: Google Images
Source: UGC

Nadagdagan na naman ng 1, 678 na kumpirmadong kaso ang bilang ng may COVID-19 sa bansa.

Nalaman ng KAMI na ito ang bumuo sa kasalukuyang bilang na 83,673.

698 sa mga bagong kaso ay mula sa National Capital Region at sinundan naman ito ng Laguna na may 218 na bagong kaso.

Pumangatlo naman ang Cebu na may 100 na karagdagang kaso habang ang Cavite ay nadagdagan ng 87 at Davao del Sur na may 33.

90.2% sa mga ito ay pawang mga mild cases at 8.9% naman ang mga asymptomatic.

0.5% sa mga bagong tala na ito ang severe cases habang 0.4% naman ang kritikal.

173 naman ang naitalang naka-recover ngayong araw at apat lang ang naitalang namatay.

Samantala, kapansin-pansing pumanhik na sa mahigit 83,000 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sumunod na tayo sa China na may 83,959 at ika-26 sa mga bansang may pinakamaraming tinamaan ng virus base sa pinakahuling datos na inilabas ng Worldometers.

Ang Pilipinas na may 83,673 COVID cases ay ika-27 ngunit dahil sa hindi na halos bumababa sa 1,500 ang dumadagdag na kaso sa araw-araw, malaki ang posibilidad na maungusan na natin ang China bukas pa lamang.

Mapapansing 300 na lamang at malalampasan na natin sa bilang ang bansang sinasabing pinagmulan ng virus na ito na gumimbal sa mundo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nito lamang linggo, Hulyo 26 nang pumanhik na sa lampas 80,000 ang bilang ng COVID-19 cases sa bansa.

Mabilis na tumaas pa ang bilang na ito na ngayon ay halos humahabol na sa China sa dami.

Dahil dito, maigting pa rin ang pagpapaalala ng Department of Health sa mga safety protocols lalo na at karamihan ng lugar sa bansa ay naka-general community quarantine na kabilang na ang Metro Manila kahit ito ang may pinakamaraming naitatalang kaso araw-araw.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel