LJ Reyes, hindi natapos panoorin ang pelikula ni Paolo Contis na 'Through Night and Day'

LJ Reyes, hindi natapos panoorin ang pelikula ni Paolo Contis na 'Through Night and Day'

- Mabilis na nag-viral ang vlog ni Paolo Contis kung saan pinakita niya ang reaksyon ng kanyang partner na si LJ Reyes sa pelikulang 'Through Night and Day'

- Marami-rami na raw ang nagtatanong kay Paolo kung isa rin ba si LJ sa napaiyak ng pelikula na nagpaiyak sa marami

- Sinamahan ni Paolo ang kanyang partner na panoorin ang pelikula at upang ipakita rin sa kanilang followers ang nakakatuwang reaksyon ni LJ

- Mapapansing halos mabasa na ang suot na damit ni LJ sa sobrang pagluha na hindi na niya natapos ang pelikula sa tindi ng emosyong kanyang naramdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

LJ Reyes, hindi natapos panoorin ang pelikula ni Paolo Contis na 'Through Night and Day'

Source: LJ Reyes source: Instagram
Source: Instagram

Viral ngayon ang nakakatuwang vlog ni Paolo Contis kung saan ipinakita niya ang reaksyon ng kanyang partner na si LJ Reyes nang panoorin nila ang pelikulang 'Through Night and Day.'

Ang pelikulang ito ay pinagbibidahan mismo ni Paolo at ng aktres na si Alessandra de Rossi na siyang sumulat ng kwento.

Nalaman ng KAMI na marami-rami na raw kasi ang nagtatanong kay Paolo kung naiyak din ba ang partner nitong si LJ sa pelikulang nagpaiyak sa maraming Pinoy.

Dalawa ang pelikula ngayon ni Paolo na patok na patok sa Netflix. Bukod sa "Through Night and Day", palabas din ang "Pangarap Kong Holdap".

Bagaman at pinili ni LJ na panoorin sana ang 'Pangarap Kong Holdap', ipinapanood pa rin ni Paolo ang 'Though Night and Day' sa kasintahan.

Halos nagsisimula pa lang ang pelikula nang maluha si LJ at talagang hindi na mapigilan ito.

Lalo na nang dumating sa bahagi ng pelikula na kumanta sina Alessandra at Paolo, talagang hindi na halos makahinga sa sobrang pag-iyak si LJ.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil dito, hindi na niya natapos ang huling 12 minuto ng pelikula.

"Di ko natapos, bakit gusto mo ako paiyakin?" ang sabi ni LJ kay Paolo.

Nangangahulugan lamang na maging ang kasintahan ni Paolo ay tinamaan sa tindi ng mga eksena sa pelikula.

Ang kapansin-pansin pa sa vlog, halos buong pelikula ay hawak-hawak ni Paolo ang kamay ni LJ habang nanonood.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kaya naman marami ang humahanga sa tumatagal na pagsasama ng dalawa at sa kahanga-hangang gawain nila bilang magulang nina Summer at Aki.

Isa pa nga sa mga naibahagi ni LJ ay isang 'appreciation post' sa kung gaano kabuting ama si Paolo.

Noong minsan ding wala si Paolo sa kanilang tahanan para sa trabaho, ganoon na lamang ang lungkot at pangamba ni LJ lalo pa at sanay na itong laging kasama ang kanyang kasintahan.

Si LJ Reyes ay isang Filipina Actress na produkto ng reality show na 'Starstruck' ng GMA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel