Nakakakilabot! ABS-CBN station, nakatanggap ng mga bulaklak ng patay

Nakakakilabot! ABS-CBN station, nakatanggap ng mga bulaklak ng patay

- Nakatanggap ng mga korona o bulaklak ng patay ang istasyon ng ABS-CBN sa Cagayan de Oro City

- Ayon sa report, ipinadala umano ang mga ito matapos ang isinagawang noise barrage ng mga supporters at empleyado ng ABS-CBN

- Idineliver daw ito ng mga tauhan ng isang flower shop mula sa hindi pa nakikilalang sender

- Bukod sa mensahe ng pagsuporta sa ABS-CBN, nakasulat din dito ang pangalan ng ilang grupo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakatanggap ng mga korona o bulaklak ng patay ang istasyon ng ABS-CBN sa Cagayan de Oro City noong Sabado.

Base sa ulat ng TV Patrol, pinadala umano ang mga ito matapos ang isinagawang noise barrage ng mga supporters at empleyado ng ABS-CBN.

Nakakakilabot! ABS-CBN station, nakatanggap ng mga bulaklak ng patay

Screen gran from TV Patrol
Source: Facebook

Ang nasabing noise barrage ay panawagan sa mga kongresista na "kumitil" sa prangkisa ng ABS-CBN dahil sa mga umano'y katiwalian ng kompanya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Laking-gulat na lamang daw ng mga emplayado ng ABS-CBN nang dumating ang tatlong korona na idineliver ng mga tauhan ng isang flower shop mula sa hindi pa nakikilalang sender.

Makikitang nakalagay sa mga ito ang mensahe: "Ibalik ang ABS-CBN! Isulong and digmaang bayan!"

Bukod dito, nakasulat din ang pangalan ng mga grupong NUJP, the National Union of People’s Lawyers-Union of People’s Lawyers in Mindanao, Iglesia Filipina Independiente College Editors’ Guild of the Philippines, Bayan, Anakbayan, Kadamay, at League of Filipino Students.

Batay sa report ng Manila Bulletin, sinabi ng NUJP na wala umanong umako sa pagpapadala ng mga ito.

"No person or group has come forward to claim responsibility for the wreaths," ayon dito.

Nais din ng NUJP na imbestigahan ng mga awtoridad ang insidente. Tinawag din ito ng grupo na parte ng umano'y red-tagging sa bansa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang pagkalampag ng mga taga-suporta ng ABS-CBN kaugnay ng kanilang prangkisa.

Ilang sikat na personalidad na rin ang kinundena ang naging desisyon na ito ng Kamara kabilang na ang ABS-CBN star na si Angel Locsin na aktibo sa pagsuporta sa kanyang home network.

Samantala, isang netizen naman ang "pinatulan" ni Katrina Halili matapos siyang hanapan ng suporta para sa ABS-CBN at sinabi pang "baka magalit si Darna sa kanya" na maaaring ang tinutukoy ay si Locsin.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel