Leni Robredo, kumasa sa black-and-white challenge; netizens, nagreact

Leni Robredo, kumasa sa black-and-white challenge; netizens, nagreact

- Kumasa na rin si Vice President Leni Robredo sa nauusong "black-and-white photo challenge"

- Sa kanya mismong Facebook account, ibinahagi ni VP Robredo ang kanyang larawan

- Napa-react naman ang mga netizens sa "pagkasa" na ito ng bise presidente ng Pilipinas

- Ang viral na challenge na ito ay para isulong ang "female empowerment" at pagpapakita ng pagsuporta ng mga babae sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kumasa na rin sa nauusong "black-and-white photo challenge" si Vice President Leni Robredo.

Sa kanya mismong Facebook account, ibinahagi ni VP Robredo ang kanyang black-and-white na larawan.

"Challenge accepted. @princessbbr #womenliftingwomen," ayon sa FB post ng bise.

Napa-react naman ang ilang netizens sa post na ito ni Robredo na mayroon nang 15,000 reactions.

Leni Robredo, kumasa sa black-and-white challenge; netizens, nagreact

Photo from Facebook
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"VP Leni, you are one of the strongest, loving & compassionate woman I know! Thank you for your friendship and all that you do for our country!"
"Ang cute nyo ma'am. Such a relief in this trying times."
"You have always been lifting others po. God bless you more."
"Beautiful woman in side and out! More power to you!"
"Absolutely gorgeous!! Inside out. Heart, Mind Soul all beautiful."
"One of the bravest and beautiful women."
"Nice one VP."
"Hahahaha love it VP!!!"

Sa kasalukuyan ay mayroon nang tatlong milyong larawan ang in-upload sa social media na may hashtag na "challenge accepted" ayon sa isang report ng ABS-CBN News.

"The trend is still picking up with usage of the hashtag on Instagram doubling in the last day alone," ayon sa spokesperson ng Instagram.

Ang viral na challenge na ito ay para isulong ang "female empowerment" at pagpapakita ng pagsuporta ng mga babae sa isa't isa.

Maging ang mga sikat na personalidad sa mundo ay kumasa na rin sa viral na challenge na ito.

Patok din ito sa mga netizens na kanya-kanya ring post ng kanilang mga black-and-white photos sa social media.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Maria Leonor "Leni" Gerona Robredo ay ang kasalukuyang Vice President ng Pilipinas.

Asawa nito ang pumanaw na si Jesse Robredo na nagsilbing secretary ng Department of Interior and Local Government sa administrasyong Aquino at nasawi noong 2012.

Kamakailan lang ay inamin ni VP Leni na hindi siya inimbitahan na lumahok "physically" sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel