‘Para-paraan!’ Litrato ng pulis na may tinatago umano sa motor, viral sa social media

‘Para-paraan!’ Litrato ng pulis na may tinatago umano sa motor, viral sa social media

- Tampok sa social media ngayon ang litrato ng isang lalaking naka-uniporme ng pulis at nakasakay sa motorsiklo niya

- Tila napansin ng mga netizens ang kakaibang tinatago umano ng pulis sa kanyang motorsilko

- Kita nga sa larawan na isang tao ang nakatalukbong sa harapan niya at kita ang sapatos nito

- Kanya-kanyang komento at reaksyon naman ang mga netizes sa viral na larawan

- Kamakailan ay pinayagan na ng gobyerno ang backride sa mag-asawa pero dapat ay may barrier ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ngayon ang litrato ng isang naka-unipormeng pulis na nakasakay sa kanyang motorsiklo.

Nalaman ng KAMI na umagaw sa atensyon ng mga netizens ang tinatago umano ng pulis.

‘Para-paraan!’ Litrato ng pulis na may tinatago umano sa motor, viral sa social media

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Base sa Facebook post ng PhilStar Wheels, tila mukhang may tinatago ang pulis sa kanyang harapan at marami rin itong bitbit sa likod niya.

Makikita nga sa larawan na may taong nakaupo sa harap ng pulis at nakatalukbong pa ito para hindi agad makita. Ngunit, kita naman ang pantalon nito at sapatos.

Kaya naman, ang litratong ito ay hindi nakalampas sa mga netizens. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook page ng Philippine Star:

“Para-paraan ah! Law is law sa mga simpleng mamamayan pero kapag may posisyon ka,,, alam nah”
“Kawawa naman baluktot na mahihirapan na yan tumayo ulit”
“Kawawa nmn yun nakabalukot na pasahero. Palusot din kasi si Sir”
“Hinuhuli pag may backride. Pero d backride kaya lusot?”
“Ok nmn kasi backride lng nmn ang bawal hahaha”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Mula noong ipatupad ang community quarantine sa Metro Manila at iba pang parte ng Pilipinas ay mahigpit na ipinagbabawal ng gobyerno ang pag-angkas o backride sa motorsiklo.

Kamakailan ay pinayagan na ng pamahalaan ang pag-angkas sa motorsiklo pero sa mga mag-asawa lang at kailangan ay may patunay ang mga ito. Subalit, kailangan ay sundin ang paglalagay ng barrier sa gitna ng rider at angkas nito.

Samantala, may nabalita naman ang KAMI noon na ibinahagi ng netizen na delikado at takaw aksidente raw talaga ang barrier na nais ipalagay ng gobyerno.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel