ABS-CBN, inalok na sa gobyerno ang network upang makapagpalabas ng educational shows

ABS-CBN, inalok na sa gobyerno ang network upang makapagpalabas ng educational shows

- Inalok na ng ABS-CBN ang kanilang transmission network upang magamit sa darating na pagbubukas ng klase

- Pahihintulutan nila ang gobyerno na magamit ang istasyon upang makapagpalabas ng educational shows

- Ito ay bahagi ng tinatawag na blended learning kung saan ang mga walang internet ay maaring makanood ng telebisyon upang makasabay sa mga pinag-aaralan

- Kasama sa pagpapahintulot na ito ang pagpapalabas ng kanilang mga educational programs na kanilang nagawa sa loob ng 20 taon

- Nilinaw nilang pawang pagtulong ang nais ng ipasasarang istasyon para sa mga mag-aaral sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

ABS-CBN, inalok na sa gobyerno ang network upang makapagpalabas ng educational shows

Source: ABS-CBN source: Facebook
Source: Facebook

Naglabas na ng pahayag ang ABS-CBN kung saan iniaalok na nila sa ating gobyerno ang paggamit ng transmission network ng istasyon.

Nalaman ng KAMI na kasabay ng pagpapagamit ng network, pinahihintulutan din ng ABS-CBN ang pagpapalabas ng ilang mga educational programs nila sa loob ng 20 taon.

Ito ay bilang bahagi ng blended learning na iminungkahi ng Department of Education kung saan bukod sa online at modular approach, maari ring makapanood ng mga programa sa telebisyon ang mga mag-aaral na naaayon sa kanilang asignatura.

Nilinaw din ng ABS-CBN na ginagawa nila ito upang makatulong sa sistema ng edukasyon sa bansa ngayon na humaharap parin tayo sa krisis na dulot ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"While this is not expected to have any business impact to the company, we are hopeful that our network can help in the education of our students nationwide," ang bahagi ng inilabas na pahayag ng ABS-CBN.

Matatandaang nakilala rin ang ABS-CBN dahil sa dami ng educational programs na kanilang nagawa na tumatak na sa mga kabataan.

Ilan sa mga ito ang Sineskwela, MathTinik, ATBP at marami pang iba na sadyang nakatulong sa mga mag-aaral upang mas maging interesado sila sa kanilang pag-aaral.

Malaking bagay ang alok na ito ng ABS-CBN na ang pangunahing layunin pa rin ay ang ipagpatuloy ang serbisyon sa kapwa Pilipino.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hulyo 10 nang tuluyan nang napagdesisyunang hindi na pahintulutang ma-renew pa ang prangkisa ng ABS-CBN na siyang ikinadismaya ng marami nating mga kababayan.

Maging ang mga Kapuso stars at journalist ng GMA network na sinasabing katunggaling istasyon ng ABS-CBN ay nakaramdam din ng kalungkutan sa tuluyang pagpapasara nito.

Bumuhos ang simpatya nila sa 11,000 na mga manggagawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho sa kasagsagan pa ng pandemya kinahaharap ng buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel