Babae, pumanaw 1 linggo matapos ideklarang wala nang COVID-19

Babae, pumanaw 1 linggo matapos ideklarang wala nang COVID-19

- Isang ginang sa Singapore ang pumanaw matapos lamang ang isang linggo nang ideklara itong COVID free

- Ayon sa lumabas na report, nagkaroon ng komplikasyon ang ginang na naging sanhi para ideklara itong kritikal

- Dahil dito, humina na rin ang baga nito at kumalat na ang impeksyon sa iba't ibang bahagi ng katawan nito

- Labis na pagluluksa naman ang dinaramdam ng pamilya nito kabilang na ang mister na nangungulila pa rin dito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang linggo matapos ideklarang wala ng COVID-19 ang isang ginang sa Singapore, pumanaw ito sa edad na 58.

Base sa report ng mga local news outlet katulad ng Berita Media Corp., nagkaroon ng komplikasyon ang ginang na kinilalang si Salha Binte Mesbee, na naging sanhi para ideklara itong kritikal.

Babae, pumanaw 1 linggo matapos ideklarang wala nang COVID-19

Photo from Facebook
Source: Facebook

Dahil dito, humina na rin ang baga nito at kumalat na ang impeksyon sa iba't ibang bahagi ng katawan nito.

Batay naman sa CT scan na isinagawa sa ginang, namaga na rin ang utak nito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lumalabas na bagamat wala na itong coronavirus ay nagkaroon pa rin ng epekto ang virus sa katawan ng ginang.

Bago ito bawian ng buhay ay nakasalalay na lamang daw ang buhay nito sa life support.

Ayon sa anak nito, naging tapat na raw sa kanila ang mga doktor at sinabing nakasalalay na sa kanila ang desisyon para sa ina.

Base sa ulat, idineklarang COVID-19 positive ang ginang noong Marso na napag-alamang bumisita sa Turkey kasama ang mister nito para ipagdiwang ang kanilang 38th Wedding anniversary.

Labis na pagluluksa naman ang dinaramdam ng pamilya nito kabilang na ang mister na nangungulila pa rin dito.

Ayon sa isa sa mga anak ng mga ito ay patuloy pa rin nilang inaalalayan ang ama upang kahit paano ay makayanan nito ang pagkawala ng asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, sa Pilipinas, pumalo na sa 82,040 ang kabuuang kaso ng COVID positive hanggang ngayong araw. 26,446 ang naitalang gumaling na o recoveries habang 1,945 naman ang nasawi dahil sa virus.

Patuloy naman ang paalala ng Department of Health at ng mga awtoridad kaugnay ng patuloy na pagtaas ng kaso.

Nagbabala rin ang mga awtoridad sa mga mananamantala sa panahong nahaharap ang bansa sa krisis. Ito'y matapos mabalita ang pangdodoktor ng isang print shop sa mga COVID test results!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel