Tindero ng lobo na napagtripan ng ilang kabataan, nabigyan na ng bagong negosyo

Tindero ng lobo na napagtripan ng ilang kabataan, nabigyan na ng bagong negosyo

- Natulungan ng programa ni Raffy Tulfo ang kaawa-awang tindero ng lobo na napag-tripan ng ilang kabataan sa Maynila

- Matatandaang nag-viral ang video ng balloon vendor na ito dahil nasapul sa CCTV ang kalokohang ginawa sa kanya ng kabataang lalaki habang siya ay namamahinga

- Upang may bago na siyang pagkakitaan, binigyan siya ng food cart business ni Tulfo

- Bukod dito, mayroon na rin silang sari-sari store sa kanila mismong bahay na siyang pamamahalaan ng kanya namang ina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tindero ng lobo na napagtripan ng ilang kabataan, nabigyan na ng bagong negosyo

Source: Raffy Tulfo in Action source: Facebook
Source: UGC

Nakabawi na sa pangangatawan ang dating balloon vendor na si Oliver matapos na mapagtripan umano siya ng ilang kabataang lalaki sa Pandacan, Maynila.

Matatandaang si Oliver ang tindero ng lobo sa viral video kung saan nagawang sunugin ng ilang kabataang lalaki ang mga paninda niyang lobo.

Kitang-kita sa CCTV kung paano walang awang sinilaban ng mga binatilyo ang panindang lobo ni Oliver na noo'y namamahinga sa barangay hall.

Nagtamo ng lapnos sa balat si Oliver at talagang lumobo ang kanang braso sa dami ng nasunog na bahagi.

Pebrero nang mangyari ang pamemerwisyo ng mga kabataan at makalipas ang ilang buwan, nakapagpalakas na si Oliver.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Dahil dito, ipinaabot na ni Tulfo ang handog niyang pangkabuhayan kay Oliver.

Binigyan niya ito ng kahilingan niyang food cart business na patok agad sa kanyang mga kabarangay.

Bukod pa rito, sa mismo nilang bahay, mayroon ding pagkakakitaan ang kanyang ina na isang sari-sari store.

Laking pasalamat niya sa programa ni Tulfo na siyang naging daan upang makabangon sila sa hirap ng buhay lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Matatandaang maging si Mayor Isko Moreno ay nagawang sermunan ang mga kabataang gumawa nito sa tindero ng lobo.

Napanood din ng alkalde ng Maynila ang mismong nangyari kaya naman ganoon na lamang ang awang naramdaman niya kay Oliver.

Hindi napigilan ng alkalde ng Maynila na kagalitan ang mga binatilyong sinabing "joke-joke" lamang ang ginawa nilang pagsindi sa mga lobong paninda ng lalaki sa Pandacan, Manila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kung hindi nga raw bawal, nais din niya itong iparanas sa mga lalaking gumawa noon upang magtanda.

Napag-alaman ding perwisyo talaga sa lugar ang mga batang lalaking gumawa nito. Sa umpisa'y naawa pa ang vendor sa mga magulang ng batang guma ng kalokohan sa kanya kaya di na sana niya itutuloy ang kaso.

Ngunit nang malamang sadyang marami nang ginagawang kalokohan ang mga batang ito, itinuloy niya ang reklamo sa tulong na rin ng programa ni Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel