Muslim religious leader, namataang namumuno ng dasal sa Quiapo Church

Muslim religious leader, namataang namumuno ng dasal sa Quiapo Church

- Mabilis na nag-viral ang video ng isang Muslim religious leader na namataang namumuno ng dasal sa loob mismo ng Quiapo church

- Ito ay naganap matapos ang misang isinagawa sa nasabing simbahan para sa pagkakaisa ng bansa para sa hustisya at kapayapaan

- Marami ang natuwa sa video na ito na nagpapakita lamang na sa panahon ng pagsubok, handang magkaisa ang mga Pilipino

- Napakagandang ehemplo ng video na ito upang makapagpadala ng mensahe ng kapayapaan at pag-ibig sa bawat isa sa panahon ng pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muslim religious leader, namataang namumuno ng dasal sa Quiapo Church

Source: Sandra Aguinaldo, GMA News source: Facebook
Source: Facebook

Marami ang namangha nang makita ang isang Muslim religious leader na namumuno ng pagdarasal sa Quiapo church.

Nalaman ng KAMI na namataan ang Muslim religious leader na ito matapos ang misa para sa pagkakaisa at kapayapaan ng bansa na humaharap sa matinding krisis dala ng COVID-19.

Sa video na binahagi ng GMA News, makikitang nasa loob mismo ng simbahan ang nasabing religious leader habang mataimtim ding nagdarasal ang mga debotong mapalad na nakapasok ng simbahan.

Ang ilan pa nga sa mga nakakita ng video ay di naiwasang maging emosyonal dahil sa tagpong nasaksihan.

Nagpapatunay lamang daw na kayang magkaisa ng mga Pilipino na hindi tinitingnan ang relihiyon.

Mahalaga kasi talaga sa panahon ngayon ang pagkakaisa at kapayapaan lalo na at tumatagal ang pandemyang patuloy na nagpapahirap sa bawat isa sa atin.

Kaya naman ang makakita ng ganitong positibong gawain ay sadyang nakakagaan ng loob at nakababawas sa mga suliraning bumabagabag sa atin.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga positibong mga komento ng mga netizens:

"Thank You Lord Jesus please touch the hearts of all Religious Leaders of any religions to unite for our country. Amen"
"This is what happens when we recognize each other's religion. No boundaries, just pure love and respect with each other. Kudos"
"Nakakakilabot. Teary-eyed po ako noong makita ko ito"
"Good sign of unity despite having different beliefs"
"Respecting other is one of the best thing to do to show love our of God."
"True definition of kapatid na Filipino. United by faith and common belief"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakataba ng puso ang eksenang ito na sa kabila ng mga pinagdaraanan maging ng mismong simbahan ng Quiapo ay may napakagandang pangyayaring naganap doon tulad nito. Matatandaang minsan nang na-lockdown ang simbahang ito matapos na may magpositibo sa COVID-19 ang isang paring galing dito.

Patunay lamang ito na ang higit sa ano pa mang bagay, ang ating pananampalataya at pagdarasal ang magdadala sa atin ng kapayapaan sa ating isipan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel