Gasoline boy sa Maynila, nakaipon at nakapagpatayo na ng sariling bahay

Gasoline boy sa Maynila, nakaipon at nakapagpatayo na ng sariling bahay

- Kahanga-hanga ang ginawa ng isang gasoline boy sa Maynila na nakapagpundar na ng sarili niyang bahay

- Naisakatuparan na niya ang dati lamang na painapangarap na bahay dahil sa kanyang pag-iipon

- ₱250,000 ang kanyang naging budget sa bahay na may dalawang kwarto, 1 CR,maliit na bakuran at gate

- Naipatayo niya ito sa Pampanga kung saan naroon ang kanyang mga mahal sa buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Gasoline boy sa Maynila, naka-ipon at nakapagpatayo na ng sariling bahay

Source: Igue G. Varra source: Puge Facebook Page
Source: Facebook

Nakakabilib ang tagumpay na naabot ng isang gasoline boy sa Maynila na si Igue Varra.

Sa halagang ₱250,000 naipatayo na niya ang dating pinapangarap lamang niyang bahay.

Nalaman ng KAMI na sa Pampanga niya pinagawa ang tahanan kung saan naroon ang kanyang mga mahal sa buhay.

Sinimulan ito noong Marso 3 ng kasalukuyang taon ngunit nahinto dala ng community quarantine.

Pinakita ni Igue ang larawan ng dream house niyang hindi na nalalayo sa itsura ng kanyang pinatatayong bahay.

May dalawang kwarto ito, isang palikuran, maayos na bakuran at sariling gate.

Mapapansin sa mga larawan at video kung gaano kaayos gumawa ang mga trabahador na sinasahuran daw niya ng ₱500 sa isang araw at libre pa sa kanilang pagkain.

Halos malapit nang matapos ang bahay na ito ng gasoline na natatagalan lang dahil sa pag-iingat sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi magtatagal at matitirahan na rin niya ang bahay na kanyang pinaghirapang pag-ipunan.

Nakakatuwang isipin na sa kanyang simpleng hanapbuhay, makakapagpundar pa rin siya ng sariling bahay di lamang sa kanya kundi para na rin sa kanyang pamilya.

Hindi na niya kinailangang mangibang-bansa pa para lang kumita ng malaki. Patunay lamang ito na sa tamang diskarte sa pag-iipon at paghawak ng pera, maari pa rin nating matupad ang mga pangarap sa buhay nang hindi iniiwan ang sarili nating bayan.

Narito ang kabuuan ng video mula sa Puge Facebook Page:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, kahanga-hanga din ang ating mga kababayang OFW na nakapagpundar na rin ng sarili nilang tahanan hindi lamang para sa kanila kundi para na rin sa kanilang mga magulang.

Ang ilan, nakabili pa ng lupain na siyang gagawin din nilang negosyo at di na muling mangibang-bansa pa at makapiling na lang ang kanilang pamilya.

Tunay na kahanga-hanga ang mga kwento ng tagumpay na ganito na sana'y magsilbing inspirasyon sa bawat isa sa atin. Pakatandaan, walang imposible sa taong pinaghihirapan ang kanyang pangarap.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel