Isang taong gulang na sanggol, nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawa sa kapitbahay

Isang taong gulang na sanggol, nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawa sa kapitbahay

- Isa ang isang taong gulang na sanggol sa mga bagong kaso ng COVID-19 sa Cuenca, Batangas

- Nahawa di umano ang bata sa patient number 28 ng lugar na nag-positbo rin sa virus

- Nagkaroon umano ng close contact ang sanggol at ang kapitbahay na mayroon na pala noong virus

- Isang limang taong gulang na bata naman sa Batangas City ang tinamaan din ng COVID-19

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang taong gulang na sanggol, nagpositibo sa COVID-19 matapos mahawa sa kapitbahay

Source: Municipality of Cuenca source: Facebook
Source: Facebook

Isa ang isang taong gulang na sanggol mula Cuenca, Batangas sa mga pinakabagong naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.

Nalaman ng KAMI na nahawa umano ang kaawa-awang sanggol sa 39-anyos na kapitbahay na si Patient 28 at mayroon na palang virus nang maka-close contact ang bata.

Base sa post ng Municipality of Cuenca, agad na nagsagawa ng contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong nagpositibo sa virus lalo na ang pamilya ng batang lalaki.

Naka-quarantine na rin ang mga kasama sa bahay ng sanggol at isusunod na rin silang kukunan ng swab testing.

Samantala, isang limang taong gulang na bata rin ang isa sa 163 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa Batangas City.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nagkaroon ng exposure ang bata sa nagpositibo sa virus at napag-alamang lumabas din ito ng kanilang bayan.

Sa isang barangay naman sa Guinayangan Quezon, 19 na katao ang agad na nagkaroon ng COVID-19 matapos na di umano'y dumalaw ng babae sa kanyang nobyo na taga roon.

Ang babaeng kalauna'y nagpositibo rin sa COVID-19 ay galing ng Metro Manila.

Ayon sa Unang Balita, lima sa 19 na mga nahawa ay pawang mga menor de edad ne may gulang na lima hanggang 14.

Maigting pa ring pinag-iingat ng Department of Health ang publiko kahit pa nasa general community quarantine o sa mas maluwag na community quarantine na ang ibang lugar sa bansa.

Pinaaalalang palaging magsuot ng tamang face mask at ugaliing mag-disinfect upang hindi basta mahawa o makahawa.

Huwag pakakampante kahit pa wala namang napapansing sintomas sa sarili o sa iba lalo na at marami ang asymptomatic cases na siyang nagiging dahilan ng pagkakahawa ng iba.

Tulad ng mga batang ito na walang muwang na nagkaroon ng virus, mas mainam na ilayo pa rin sila lalo na kung ang nakakasalamuha ay mula sa ibang lugar.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Umaasa ang marami na lalong madaling panahon ay gagaling din ang mga batang ito lalo pa at hindi sila basta-bastang masasamahan ng kanilang mga magulang o mahal sa buhay sa ospital.

Mahigpit na pinatutupad na bawal samahan ninuman kahit pa sanggol ang isang COVID-19 patient. Kaya naman matatandaang isang ina ang ninais na lamang na magkaroon ng virus para lamang maalagaan ang kanyang anak na may special needs na tinamaan ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel