Donnalyn Bartolome, kumasa sa hamon na mag-alaga ng ahas sa loob ng isang araw

Donnalyn Bartolome, kumasa sa hamon na mag-alaga ng ahas sa loob ng isang araw

- Marami ang bumilib sa tapang ng vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome

- Ito ay matapos niyang kumasa sa kanyang hamon na mag-alaga ng isang ahas

- Inalagaan niya sa loob ng isang araw ang isang babaeng Burmese python na kanyang dinala sa kanilang bahay

- Nagulantang naman at napasigaw ang kanyang ina nang ipakita niya ito sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang napabilib sa vlogger at singer na si Donnalyn Bartolome nang kumasa siya sa hamon na mag-alaga ng isang malaking ahas para sa kanyang Dare Donna segment sa kanyang YouTube channel.

Inamin niya na kinakabahan din siya ngunit kailangan niyang harapin ang kanyang takot para mapagtagumpayan ang hamon.

Ang kanyang vlog na pinamagatang BABYSITTING MY FRIEND’S SNAKE FOR A DAY!!! (Not For The Weak Heart) ay umani ng mahigit kalahating milyon na views matapos itong i-post ni Donna noong Sabado.

Donnalyn Bartolome, kumasa sa dare na mag-alaga ng ahas sa loob ng isang araw

Donnalyn Bartolome (Photo from Donnalyn Bartolome's Instagram account)
Source: Instagram

Ani Donnalyn, maituturing niyang pinaka nakakatakot na karanasan ang kanyang ginawa ngunit pinakamemorable naman daw ito, “I took care of a PYTHON for a day! One of the scariest thing I've done! But one of the most memorable time too!"

Ang ahas ay kulay dilaw at puti at isang babaeng Burmese python na nagngangalang B.

Dinala niya si B. sa kanilang bahay upang alagaan sa loob ng isang araw. Kagaya sa isang batang inalagaan, nakipaglaro si Donnalyn kay B, at nahiga ito sa kanyang kama habang binabasahan niya ng bedtime story. Pinakain niya rin ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napasigaw naman ang kanyang ina nang tawagan niya at ipakita ang kanyang alaga sa ina.

Narito ang komento ng ilang netizens:

Ako lang ba ung panay nagugulat everytime lumalabas ung animation na snake? Feeling ko lalabas ung snake sa phone ko
This is outrageous! I even shouted while watching this snake going to you. Hilarious mom . Thanks Donna
DAREDONNA really suits you ate donna you're such a dare devil.. you're so pretty, cool, and humble

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Donnalyn Bartolome ay isa sa pinakasikat na vlogger sa bansa. Bukod sa pagiging isang YouTuber, nakilala din siya sa kanyang mga awiting Di Lahat, Happy Breakup, at Kakaibabe.

Naging kontrobersiyal kamakailan ang pahayag ni Donnalyn kaugnay sa "Bawal Lumabas" issue ni Kim Chiu.

Buong tapang din niyang sinagot ang isang YouTuber na nagpahiya umano sa kanya para lang sa content nito sa YouTube.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel