Nikki Valdez, ibinahagi ang kanyang saloobin hinggil sa pagboto kay PRRD

Nikki Valdez, ibinahagi ang kanyang saloobin hinggil sa pagboto kay PRRD

- Inilabas ng Kapamilya actress na si Nikki Valdez ang kanyang saloobin kaugnay sa kanyang pagboto umano kay Pangulong Rodrigo Duterte

- Ibinahagi niya na naniwala siya sa pangulo na kaya nitong mapabago ang kalagayan ng bansa

- Gayunpaman, unti-unting nawala umano iyon matapos ang lahat ng pangyayari sa bansa kabilang na ang pagpapasara ng ABS-CBN

- Kinuwestiyon din ng aktres ang naging desisyon ng Pangulo na huwag i-ban ang mga dayuhan noong panahong nagsisimula nang kumalat ang COVID

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ayon kay Nikki Valdez, lagi niyang sinisiguradong iboboto niya ang sa tingin niya ay mga tamang tao para sa posisyon simula nang makapag rehistro siya upang makaboto.

Inamin niyang ibinoto niya si President Rodrigo Duterte noong 2016 election kasama ang kaniyang pamilya dahil sa paniniwalang siya ang makapagdadala ng pagbabagong inaasam ng karamihan.

"At noong 2016, oo binoto kita Pres. Duterte pati ang pamilya ko. Sa paniniwalang magkakaboses ang maliliit na tao na sinasabi mo noon na dadamayan mo. Nakita namin ang kasimplehan mo na kahit presidente ka ay abot na abot ka ng mga tao. Nakita namin ang political will mo," aniya.

Sa kabila umano ng mga bagay na pinupuna ng ibang tao kagaya ng kanyang pagmumura, inisip niyang tao lamang ang pangulo kaya patuloy siyang naniwala.

"Ni hindi nga namin pinuna ang pagmumura mo. Lagi ko sinasabi sa sarili ko tao ka lang. Nagkakamali."
Nikki Valdez, ibinahagi ang kanyang saloobin hinggil sa pagboto kay PRRD

Nikki Valdez (Photo from Nikki Valdez Instagram account)
Source: Instagram

Gayunpaman, naiba umano ang kanyang pananaw makalipas ang apat na taon dahil sa pagmumura nito sa Santo Papa at sa mga biro nito sa mga kababaihan na nakakabastos.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

"Pero makalipas ang 4 na taon ng pagsubaybay sa mga ninais mo para sa bansa, ano po ang nangyari? Ultimo ang Santo Papa, minura mo, pinagsalitaan ng kung ano ano, nawala ang respeto mo sa mga kababaihan kahit may mga anak kang babae, inuna mo ang personal na galit at paghihiganti kaya ganon na lamang ang kawalang bahala mo sa mga totoong pangangailangan at problema ng ating bayan..." dagdag pa ng aktres.

Kasunod nito, kinuwestiyon ng aktres ang ilang desisyon ng pangulo kagaya ng pagpapapasok sa mga dayuhang Chinese sa kabila ng banta ng COVID, ang pagpapasa ng Anti-Terror Bill at pagpapasara ng ABS-CBN.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maituturing itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa.

Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

Matapos ang pagsasara ng ABS-CBN, ilan sa mga empleyado nito ay tuluyan nang nawalan ng trabaho.

Inilabas ng Kapamilya Network kamakailan ang isang statement hinggil sa kanilang pagbabawas ng empleyado.

Ang ilang artista kagaya nina Karla Estrada at Vice Ganda ay nagpasyang ipagpapatuloy ang showbiz career sa pamamagitan ng panibagong online channel.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel