Jinkee Pacquiao, inunahan ang mga bashers tungkol sa kanyang private beach house tour

Jinkee Pacquiao, inunahan ang mga bashers tungkol sa kanyang private beach house tour

- Inilibot ni Jinkee Pacquiao ang kanyang followers sa kanilang private beach house sa pamamagitan ng kanyang vlog

- Ang nasabing private beach house na pag-aari nina Jinkee ay matatagpuan sa Sarangani Province

- Nilinaw ng maybahay ni Senator Manny Pacquiao na ipinapakita niya ang kanilang beach house hindi para ipagmayabang ito

- Napagpasyahan niya umanong gawin ang nasabing vlog dahil na rin sa mga request ng kanyang mga followers

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang tour sa kanilang private beach house ang ibinahagi ni Jinkee Pacqiao para sa kanyang mga followers. Inilibot niya sa kanilang beach house sa Sarangani Province ang kanyang mga viewers.

Gayunpaman, nilinaw niyang hindi niya ito ipinagyayabang kagaya ng mga naging komento ng iilan tungkol sa kanyang ibinabahagi sa kanyang social media accounts.

"Ngayon nandito tayo sa aming private resort. Ipapakita ko naman sa inyo ang first private resort namin ng buong family. Sa lahat ng nagtatanong ito na 'yun. I am not bragging for anything na meron kami ganito, request niyo naman ito so i-tour ko kayo dito," aniya.

Ipinakita ni Jinkee ang mga villas. mga silid, ang hall, gazebo at pati na rin ang pool area ng nasabing private beach compound na pag-aari nila.

Jinkee Pacquiao, inunahan na ang bashers tungkol sa kanyang private beach house tour

Jeoffrey Maitem / Stringer via Getty Images
Source: Getty Images

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ginawa umano ito pitong taon na ang nakakalipas. Agad naman itong umani ng maraming views. Marami sa mga netizens ang nagandahan sa kanilang yayamaning beach house.

"I'm not bragging or anything. Request nyo naman ito" Jinkee was with Senator from the start. They deserve it all. Pag inggit pikit! Lovelots
Mare you worked hard for everything you have. People know your story. So don't allow anyone to make you feel guilty about showing your life on YouTube or your things. Because This is your life now..
This is so inspirational for those who have a dream and to never stop believing. Thank you for sharing it with us. Such a wonderful family .

Si Jinkee Pacquiao ay nagtrabaho bilang sales attendant para sa isang cosmetics brand bago niya nakilala si Manny Pacquiao.

Sa isang shopping mall sila unang nagkita kung saan ang uncle ni Jinkee, na dating trainer ni Manny, ang naging daan para magkakilala sila.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal sila noong taong 2000 at meron silang limang anak na sina Emmanuel Jr., Michael Stephen, Mary Divine Grace, Queen Elizabeth and Israel.

Dahil sa kanyang magarbong buhay, naibabahagi minsan ni Jinkee ang ilang mga bagay sa social media. Hindi man naging positibo ang pagtanggap ng iilan sa kanyang mga ipinapakita, pinatunayan ni Jinkee na hindi siya apektado sa mga pambabatikos sa kanya.

Kabilang ang aktres na si Agot Isidro sa pumuna sa kanyang pagbahagi ng kanyang mamahaling gamit sa social media. Pinayuhan si Jinkee ng aktres na maging sensitive naman sa mga taong naghihirap sa gitna ng pandemya.

POPULAR: Read more about Jinkee Pacquiao here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel