Biyenan, kumampi kay legit; mister at kabit, buking ang gimik

Biyenan, kumampi kay legit; mister at kabit, buking ang gimik

- Mismong ang nanay ng isang inirereklamong lalaki ang siyang nagbuking dito at sa kabit nito na nahuli pa raw nito mismo

- Hindi nito kinampihan ang sariling anak at kumampi sa kanyang manugang na itinuloy na ang reklamo sa programa ni Raffy Tulfo

- Ayon kay legit, sa kabila ng kanilang usapan sa barangay ay tuloy pa rin daw ang relasyon ng dalawa

- Kaya naman si misis, desididong kasuhan si mister at ang kabit nitong kagawad pa man din

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala raw kamalay-malay ang ginang na si Maria Elinyda Valero na namamantyahan na ang kanilang pagsasama ng mister na si Francis Valero habang siya ay nagta-trabaho sa Maynila.

Biyenan, kumampi kay legit; mister at kabit, buking ang gimik

Screen grab from Raffy Tulfo in Action
Source: Facebook

At ang kanyang reklamo, kinumpirma mismo ng kanyang biyenan na si Illuminada Monreal, nanay ni Francis.

Batay sa reklamo ni Maria sa programa ni Raffy Tulfo, nag-usap na raw sila ng mister at ng kabit nito na isang kagawad na kinilalang si Michel Mosote, sa barangay sa kanilang bayan sa Iloilo.

Dito, inamin ng dalawa ang kanilang bawal na relasyon. Nangako naman daw si Mosote na iiwasan na si Francis.

Pero ayon kay Maria, tuloy pa rin umano ang relasyon ng mga ito hanggang sa ngayon at nahuli pa ito mismo ni nanay Illuminada kamakailan lang sa kubo na ipinatayo raw ni Francis para sa kanilang dalawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Mariin naman itong itinanggi ni Mosote at sinabing noon pang January natapos ang relasyon nito kay Francis.

Ganunpaman, desidido si Maria na sampahan ng kaso ang dalawa.

Ayon naman sa Department of Interior and Local Government (DILG), dahil sa pag-amin nina Francis at Michel, malaki ang posibilidad na makulong ang mga ito.

Nauna nang sinampahan ni Maria ng kasong administratibo si Kagawad Michel sa DILG at nakatakdang maghain ng kaso sa asawa at kabit nito sa Iloilo dahil sa panloloko ng mga ito sa kanya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist sa Pilipinas.

Kilala ito dahil sa kanyang public service.

Kamakailan lang, isang OFW naman ang lumapit sa programa ni Tulfo upang magpatulong dito laban sa misis na nangaliwa at may mas matindi pa palang pasabog!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel