Larawan ng frontliner na nagdarasal ng rosaryo, umantig sa puso ng netizens

Larawan ng frontliner na nagdarasal ng rosaryo, umantig sa puso ng netizens

- Nag-viral ang larawan ng isang doktor na nagdarasal ng rosaryo kahit pa ito ay nasa ospital

- Ginagawa raw talaga ito ng doktor na isa ring frontliner sa tuwing magkakaroon siya ng oras sa ospital

- Ito raw ang pinaghuhugutan ng lakas ng doktor sa tindi ng hirap na kanilang kinakaharap sa laban kontra COVID-19

- Naantig ang puso ng mga netizens na nakakita ng post dahil kaiba ito sa karaniwang larawan ng mga frontliners

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Larawan ng frontliner na nagdarasal ng rosaryo, umantig sa puso ng netizens

Source: Joanne Antiquina source: Facebook
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang larawan ng frontliner na si Dr. Néstor Ramírez Arrieta ng bansang Colombia.

Nalaman ng KAMI na isang anesthesiologist si Dr. Ramirez at nagdarasal ito ng rosaryo tuwing may pagkakataon kahit gaano pa kadami ang ginagawa niya sa ospital.

Sa post ng netizen na si Joanne Antiquina, kuha ang larawan na ito ni Evangelical Protestant pastor, Luis Alberto Gallego.

Ayon sa pastor, nadurog ang puso niya nang makita ang ginagawang pagdarasal ng doktor lalo na ay ito'y nasa ospital at nasa kalagitnaan pa ng araw-araw niyang pakikipaglaban sa COVID-19.

"He, like many doctors, endures endless shifts, and very intense emotional pressure that many of us would not be able to sustain," pahayag ni Pastor Luis.

"Even so, in short moments of rest, he takes out his rosary and dedicates himself to prayer," dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Sadyang hindi biro ang dinaranas ng mga medical frontliners na tulad ni Dr. Ramirez na nakararamdam din ng pangamba na baka sa mga susunod na araw ay madapuan na rin sila ng kinatatakutang virus na kumitil na sa buhay ng marami.

Pagbabahagi pa ng doktor, may araw na kailangan niyang magsagawa ng operasyon sa mismong COVID ward ng ospital.

Matapos maisagawa ang operasyon, agad naman niyang kinuha ang bibliya. Malinaw ang mensaheng kanyang nabasa rito na siyang nagpalakas ng kanyang loob sa laban niya kontra COVID-19.

“Do not be afraid; I am with you,” ang nabasa ni Dr. Ramirez.

Kahanga-hanga ang katatagan ng pananampalatayang ipinakikita ng doktor na nararapat lamang na pamarisan.

“In spite of the difficulties in exercising my profession, I will continue to help so many sick people who beg for help, because I work for God and not for men. I will continue as long as He gives me strength.,” pahayag ng doktor na matapang na hinaharap ang mga COVID-19 patients na buo ang loob at pananampalataya.

Tunay na buwis buhay talaga ang ginagawa ng mga medical frontliners sa laban nating ito kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ilan, kahit anong pag-iingat ay tinatamaan pa rin ng virus at sila rin mismo ay dumaraan sa pahirap na dala ng sakit na ito.

Sa ating bansa, marami-rami na ring mahuhusay na doktor ang pumanaw dahil mismo sa virus kaya naman maswerte nang masasabi ang mga naka-recover naman sa kinatatakutang virus sa buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel