Regine Velasquez umalma matapos mabiktima ng death hoax ang asawa

Regine Velasquez umalma matapos mabiktima ng death hoax ang asawa

- Inalmahan ni Regine Velasquez ang death hoax na kumakalat sa social media

- Nilinaw ng songbird na hindi totoo ang pinapakalat na balitang pumanaw ang kanyang asawa

- Nakiusap siya na tigilan ang ganoong mga gawain dahil maaring maapektuhan ang kanilang mga kamag-anak

- Maging si Ogie Alcsasid ay umalma sa kumakalat na fake news at nilinaw na biktima lamang siya ng death hoax

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pinalampas ni Regine Velasquez-Alcasid ang lumabas na death hoax na patungkol sa kanyang asawang si Ogie Alcasid. Nilinaw ng mang-aawit na walang katotohanan iyon dahil buhay na buhay at malusog ang kanyang asawang kasama niya sa bahay.

Hiniling din niya na sana ay tigilan ang paggawa ng ganitong uri ng gawain dahil may mga kamag-anak silang maaring maapektuhan pag mabasa nila ang mga ganitong uri ng balita na ipinapakalat ng ilang mga netizens sa social media.

Regine Velasquez (Photo from Regine Alcasid Instagram account)

Regine Velasquez umalma sa lumabas na death hoax ng asawang si Ogie Alcasid
Source: Instagram

"Bakit naman kailangan gumawa ng ganitong balita. Alam namin at tangap na namin na parti na ng aming buhay ang pagusapan kami mahirap pero kasama talaga ito sa trabaho namin. May pamilya po kaming maaaring mag alala kung ito ay mabasa nila. Kaya pakiusap po wag naman. To our families and friends this is a fake news Ogie is home safe and healthy. God bless Po," ani Regine sa kanyang post.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Ogie Alcasid ay umalma sa nasabing kumakalat na fake news. Gayunpaman, hindi niya ibinahagi ang pangalan ng nagbahagi ng nasabing fake news.

“Pls do not believe this. It is #fakenews i did not want to show the name of the person who posted it but i just want to inform everyone that i am ok. Magmahalan naman po tayo.”

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ikinasal si Regine Velasquez sa asawang si Ogie Alcasid noong December 2010. Matatandaang naunang lumipat si Ogie sa Kapamilya network mula sa GMA-7, na kinalaunan ay sinundan din ni Regine.

Kasunod ng pagkakabasura ng prangkisa ng ABS-CBN, hindi napigilan ng singer/composer na magbahagi ng kanyang saloobin sa mga empleyadong nawalan ng trabaho.

Kamakailan, isang prangkang mensahe ang ipinaabot ni Ogie para kay Congressman Mike Defensor.

POPULAR: Read more about Regine Velasquez here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel