Dionne Monsanto, umalma sa mga naging pahayag ni Atty. Topacio laban kay Angel Locsin

Dionne Monsanto, umalma sa mga naging pahayag ni Atty. Topacio laban kay Angel Locsin

- Hindi napigilan ni Dionne Monsanto na magsalita matapos maging usap-usapan ang tungkol sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio

- Matatandaang nabanggit ng abogado ang tungkol sa umano'y "paglobo ng katawan ng Kapamilya star

- Banat ni Dionne sa abogado, saka na mangutya kung tumangkad na ito at magkaroon ng abs

- Si Dionne ay nakilala din sa bansag na Madam Lucy dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa seryeng Tubig at Langis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakapagtimpi si Dionne Monsanto matapos maging usap-usapan ang tungkol sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Matatandaang binanggit ni Topacio ang tungkol sa umano'y "paglobo ng katawan ni Angel, “‘Yung show ni Angel sa GMA7 ay pinamagatang LOBO, kaya LUMOBO siya!”

Buwelta ni Dionne, “Mura lang po salamin sa Shopee, at free delivery pa. Bili na rin po kayo ng leeg at bra. Mamaya na po sana tayo mangutya nang ganyan kung 6 footer na tayo at may 6-pack abs. Mmmkay.”

Matapos nito ay nilinaw ni Dionne kung bakit niya nasabi ang mga salitang iyon laban sa abogado, "Sorry guys, di dapat tayo nangbo-body shame, pero sobrang nakakagalit ‘tong mga kuda niya. Ang bait ni Angel. Sobra. She doesn’t deserve to be spoken of the way this creature did. #ProtectAngelLocsin"

Narito ang reaksiyon ng mga netizens sa pahayag ni Dionne:

Nakakalungkot isipin na may pinag aralan sya pero makapanglait ng kapwa tsk tsk
Sir Ferdie Topacio, nag aral ka po ba?muka kasing hindi ka naturuan kung ano po ang RESPECT? Talo mo pa po ang walang pinag aralan
Ano kayang nagawa nito nung mga panahong binebenta ni ms.angel yung mga personal niyang gamit para makapagkalap lang siya ng funds niya para sa mga tutulungan niya? Makapag husga to kala mo walang bahid eh. Kaloka!

Si Dionne ay nakilala din sa bansag na Madam Lucy dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa seryeng Tubig at Langis.

Dionne Monsanto, umalma sa mga naging pahayag ni Atty. Topacio laban kay Angel Locsin

Dionne Monsanto (Photo from Dionne Monsanto/Instagram)
Source: Instagram

Marami sa mga Kapamilya stars ang naghayag ng kanilang pagsuporta kay Angel Locsin na isa sa mga nangunguna sa pagsasalita laban sa pagpapasara ng Kapamilya Network.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ang ABS-CBN o Alto Broadcasting System - Chronicle Broadcasting Network ay kilala din sa tawag na Kapamilya network. Maitututring itong isa sa pinakamalaking istasyon ng telebisyon sa bansa. Ayon sa kanilang pahayag, 11,000 ang empleyado nito na apektado sa kasalukuyang krisis na kanilang kinakaharap.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Ilan sa mga artista at personalidad na nagpahayag ng suporta kay Angel ay sina Ogie Diaz, Lauren Young at Sharon Cuneta.

POPULAR: Read more about ABS-CBN shutdown here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel