Netizens, umalma sa pagtugtog ng PNP band sa gitna ng libu-libong stranded na Pinoy

Netizens, umalma sa pagtugtog ng PNP band sa gitna ng libu-libong stranded na Pinoy

- Tampok sa social media ngayon ang video kung saan tumugtog ang PNP band upang aliwin ang libu-lubong mga locally stranded individuals (LSIs)

- Dahil sa “Hatid Tulong” program ng pamahalaan ay libu-libong mga Pinoy ang dumagsa sa Rizal Memorial Sports Complex

- Subalit, umalma naman ang ibang mga netizens sa pagtugtug ng PNP band sa gitna ng COVID-19 crisis

- Gayundin ang kanilang pangamba sa kaligtasan at kalusugan ng mga miyembro ng PNP band doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang video kung saan tumutugtog ang Philippine National Police (PNP) band sa Rizal Memorial Sports Complex.

Nalaman ng KAMI na tumugtog ang banda upang aliwin ang mga libu-libong locally stranded individuals (LSIs) doon.

Netizens, umalma sa pagtugtog ng PNP band sa gitna ng libu-libong stranded na Pinoy

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Twitter video ni Eloisa Lopez, tinutugtog pa ng PNP band ang “Kung Kailangan Mo Ako” ni Rey Valera.

“Inside, a PNP band played a Rey Valera song,” aniya.

Subalit, ang mga netizens naman may umalma dahil sa panganib na maging dulot ng pagtugtog ng banda, lalo na ngayong may banta pa rin ng COVID-19 sa bansa.

Gayundin ang kanilang pangamba na baka magkasakit ang mga pulis dahil hindi nila suot ang kanilang mga mask.

Narito nga ang mga komento nila sa Facebook page ni Pinoy Ako Blog:

“Mas delikado yan kung yong banda may member na positive, siguradonh kakalat yong virus pagtugtug nila sa instrumento.”
“The band members could have beeen exposed to the virus for not wearing their madk while playing their instrument”
“Nagtalsikan lalo ang covid. .parang sinabi nilang wag malungkot at ihahatid sa himlayan ng libreng musiko”
“Inspired by the closing moments of the movie, Titanic - Sadly, the musicians went down with the ship as well.”

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nasa 9,000 na mga LSI ang inaasahang matutulungan ng gobyerno ngayon sa kanilang “Hatid Tulong” program. Ang mga Pinoy na naabutan ng lockdown sa Luzon ay makakauwi na ng kanilang probinsya sa tulong ng pamahalaan.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, ibinahagi ni Ormoc City Mayor Richard Gomez ang kanyang mga saloobin ukol sa kasalukuyang sitwasyon sa Rizal Memorial Sports Complex kung saan nagdagsaan ang mga tao at tila hindi na nasunod ang social distancing.

Naglabas din ng opinyon si Richard Gomez tungkol sa “Balik Probinsya” program ng pamahalaan.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel