Lalaki, magbibigay ng P1.2M sa sinumang makakapagreto ng GF sa kanya

Lalaki, magbibigay ng P1.2M sa sinumang makakapagreto ng GF sa kanya

- Handa raw magbigay ng $25,000 o mahigit P1.2 million ang isang dayuhang lalaki sa sinumang makakapagreto sa kanya ng magiging nobya

- Si Jeff, 47-taong gulang, mula sa Kansas ay gumawa ng isang website para sa sinumang maaaring magpakilala sa kanya ng posible niyang maging nobya

- Ayon kay Jeff, naisip nilang ibigay na lamang ang reward o "referral" na katumbas nang kanya rin daw magagastos sa pakikipag-date

- Bukod sa anunsiyo niyang ito ay inilagay din ni Jeff sa website na ito ang ilang bagay tungkol sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakakalula ang offer ng isang dayuhan mula sa Amerika na handa raw magbigay ng $25,000 o mahigit P1.2 million sa sinumang makakapagreto sa kanya ng girlfriend.

Si Jeff, 47-taong gulang, mula sa Kansas, ay gumawa ng isang website, ang "Date Jeff G.", para sa sinumang maaaring magpakilala sa kanya ng posible niyang maging nobya.

Lalaki, magbibigay ng P1.2M sa sinumang makakapagreto ng GF sa kanya

Screen grab from Jeff's website
Source: UGC

Sa isang video na mapapanood sa nasabing website, ibinahagi ni Jeff kung paano nagsimula ang ideyang ito.

"We develop this basically because I'm single, right?" anito.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay Jeff, naisip nilang ibigay na lamang ang reward o "referral" na katumbas ng kanya ring magagastos sa pakikipag-date at ayaw na rin nitong bumalik sa mga dating app (applications).

Bukod sa anunsiyo niyang ito ay inilagay din ni Jeff sa website na ito ang ilang bagay tungkol sa kanya.

"I am an entrepreneur fortunate enough to still be passionate about the career path I've chosen. Throughout the years, I've established, built, and sold a couple of companies and have enjoyed economic success," ayon sa website.

"In a relationship, I’m supportive, open-minded, generous and fun. Basically, I’m a happy guy with an unbelievable life. I don’t need a person to ‘complete’ me, but I’m looking for a person with qualities that will allow us to complement each other.

"I’d like to find someone who is fun, easy to spend time with, someone who is confident, driven, shares the same interests as I and has a zest for life. Funny, goofy, and doesn’t take themselves to seriously.

"Someone who wants to build a life together, take on challenges with me, be a teammate, a kind hearted person who looks out for others. Has similar values, positive attitude, and sociable."

Bukod sa kanya, inaasahan din ni Jeff na mahalin ng babaeng kanyang mamahalin ang kanyang alagang aso na si Gunner.

Karagdagang $25,000 din ang ido-donate nito sa isang charity o shelter para sa mga aso kapag nahanap na niya ang kanyang "dream girl".

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami na rin tayong narinig na katulad ng kwentong ito ni Jeff na naghahanap ng makakasama sa buhay.

Ilang istorya na rin ng Pinay na nakapangasawa ng mga dayuhan ang pumukaw sa ating atensyon.

Pero hindi lahat sinuwerte at nagkaroon ng "happy ending" tulad na lang ng isang lalaki na hindi na nakaahon pa matapos mag-propose sa kanyang nobya sa ilalim ng dagat.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel