Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, lampas 80,000 na

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, lampas 80,000 na

- Lampas na sa 80,000 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa

- 2,110 new cases ang dumagdag ngayong araw na siyang bumuo sa kasalukuyang bilang na 80,448

- Malaking bahagi pa rin ng mga nadagdag na kaso ay mula sa Metro Manila na sinundan pa rin ng Cebu at Laguna

- 89% ng mga kasong ito ay pawang mga mild cases lamang kaya namang inaasahang gagaling din agad ang mga ito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa, lampas 80,000 na

Source: Google Images
Source: UGC

Lumampas na sa 80,000 ang kasalukuyang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ito ay matapos na dumagdag ang 2,110 na kaso ngayong araw, Hulyo 26 na siyang bumuo sa bilang na 80,448 ayon sa huling datos na inilabas ng Department of Health.

Nalaman ng KAMI na sa mga bagong kaso, nangunguna pa rin ang National Capital Region sa dami na may bilang na 1,345. Sinundan ito ng Cebu na may bilang na 304, Laguna na may 109 cases, Negros Occidental na may 66 cases at Rizal na may 40 na bagong kaso.

89.83% sa mga ito ay pawang mga mild cases lamang kaya inaasahang makaka-recover agad ang mga ito.

9.25% naman ang asymptomatic habang 0.49% naman ang severe at 0.42% naman ang critical.

Maganda rin naman ang bilang ng mga naka-recover ngayon kung saan 382 ang nadagdag.

26,110 na ang bilang ng recoveries sa ngayon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

39 naman ang nadagdag sa mga pumanaw dahil sa COVID-19 na bumuo sa kasalukuyang bilang na 1,932.

Kasalukuyan pa ring nasa ilalim ng general community quarantine ang Metro Manila hanggang Hulyo 31.

Samantala, nakababahala ang bilang ng mga dumadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa lalo na at halos kasunod na ng China ang Pilipinas pagdating sa dami ng mga tinamaan ng virus.

Base sa huling tala ng worldometers, ika-26 ang China sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may kasalukuyang bilang na 83, 830 habang ang Pilipinas ay ika-28 na.

Tinatayang nasa 3,400 na bilang na lamang at malalampasan na nating ang bansang pinaniniwalaang pinagmulan ng virus.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami pa rin ang umaasa na sa mga susunod na araw, tataas na ang bilang ng recoveries sa bansa lalo na at malaking bahagdan nito ay pawang mild cases lamang.

Subalit, hindi pa rin maalis ang pangamba sa atin lalo na nadaragdagan ang mga lugar kung saan hindi inaasahan ang biglaang pagtaas ng bilang ng mga positibo sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel