Ogie Diaz, tinawag ang pansin ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa panlalait ni Atty. Topacio

Ogie Diaz, tinawag ang pansin ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa panlalait ni Atty. Topacio

- Tinawag ni Ogie Diaz ang pansin ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa mga naging pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio

- Ito ay kaugnay sa mga binitawan nitong salita laban sa mga Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Kathryn Bernardo

- Tinanong ni Ogie ang IBP kung tama lang ang ginagawa ni Atty. Topacio na "panlalait" umano

- Matatandaang binanggit ng abogado ang tungkol sa paglaki ng katawan ni Angel Locsin kamakailan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kasunod ng panlalait umano ni Atty. Ferdinand Topacio kay Angel Locsin kaugnay sa paglaki nito, inalmahan ni Ogie Diaz ang naging pahayag ng abogado.

Tinawag niya ang pansin ng Integrated Bar of the Philippines tungkol dito at kung tama ba ang ginagawa ni Topacio na "panlalait."

“Okay lang kaya ang ganitong misconduct sa Integrated Bar of the Philippines?

“IBP, pwede din po bang laitin ang ganitong miyembro n’yo?" tanong ni Ogie.

Ogie Diaz, tinawag ang pansin ng Integrated Bar of the Philippines kaugnay sa panlalait ni Atty. Topacio

Ogie Diaz (Photo from Ogie Diaz's Instagram account)
Source: Instagram

Binigay pa nitong halimbawa ang isang panlalait din na maaring ipukol sa nasabing abogado.

“Kunwari, sabihin kong ‘wag siyang magbu-blue dahil baka mapagkamalan siyang gasulito, okay lang po ba ‘yon?"

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, ani Ogie, mas mainam na mabigyan na lang ng karampatang aksiyon ng IBP ang naging asal ng isa nilang miyembro.

“Ay, wag na lang. Kastiguhin n’yo na lang po ang bastos nyong miyembro.Otherwise, talaga lang tino-tolerate nyo ang ganitong uri ng abogado.”

Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:

Yan Ang mahirap Kapag May Pinag aralan pag Sila mang lait Ok lang Pero pag Sila na nilait At nasaktan Sila Ipapa-NBI kna..
Lawyer pa naman. Nakakahiya sa mga matitino at marespetong abogado.
Lawyer pa naman kayo pero maka lait ha wagas... wait lng po....kung tumaba si Angel Locsin anu kayo Atty? Kaloka nman ang Lobo po ay sa Abs lumabas hindi po sa kabilang network.

Si Ogie Diaz o Roger Diaz Pandaan sa tunay na buhay ay isang komedyante, aktor at showbiz reporter. Nakilala siya sa kanyang pagganap bilang si Pekto sa comedy show na Palibhasa Lalake.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Nauna na rin niyang inalmahan ang panlalait ni Topacio kay Angel Locsin kaugnay sa katawan nito.

Nagsalita din siya laban sa ilang konggresistang nagplanong i-take over ang ABS-CBN.

POPULAR: Read more about Ogie Diaz here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel