Ethel Booba, may patustada sa mga nagra-rally sa gitna ng pandemya

Ethel Booba, may patustada sa mga nagra-rally sa gitna ng pandemya

- Sunod-sunod ang naging pasaring ni Ethel Booba sa mga taong lumabas at nagsagawa ng rally sa kalagitnaan ng pandemya

- Binanggit niya rin ang tungkol sa panghihikayat sa mga tao na lumabas at upang mag-rally

- Umani ng samu't-saring reaksiyon mula sa mga netizens ang mga patutsadang ito ni Ethel

- Huling napanood si Ethel sa Kapamilya noontime show na It's Showtime kung saan tinanghal siyang grand champion ng Tawag ng Tanghalan Celebrity edition

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na inihayag ni EThel Booba ang kanyang saloobin hinggil sa mga nagaganap sa kasalukuyan matapos tutluyang mabasura ang prangkisa ng ABS-CBN.

Hindi niya itinago ang kanyang pagsalungat sa mga isinagawang rally at noise barrage kamakailan upang ipakita ng mga supporters ng Kapamilya network ang kanilang pagtutol sa pagpapasara ng ABS-CBN.

Ethel Booba, may patustada sa mga nagra-rally sa gitna ng pandemya

Ethel Booba (Photo from Ethel Booba's Instagram account)
Source: Instagram

Sa isang Tweet, tila may pinapasaringan itongisang tao.

"Di yata naluwa yung VETO. Sino ba kasi lumunok ng VETO? Ding kilala mo ba?Yan tuloy law na yung bill. Sino kaya unang masasampolan abang abang tayo mga teh. Happy?" aniya sa kanyang tweet noong July 20.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kasunod nito, binanatan niya ang pagtitipon ng mga tao at hindi pagsunod sa social distancing, "Mga teh Daming demand #masstesting #junkterrorbill at iba pa haba ng listahan kung tutuusin. Pero simpling social distancing at manahimik muna sa bahay di nyo masunod ano to superhero ang datingan di tinatablan si superman nga teh nasa bahay lang ayaw mahawa at makahawa. Happy?"

"Mga teh pinatawag ko kayong lahat tara labas tayo at matipon tipon. Laban natin to. Bahala na kung magka covid tayo isisi na lang natin sa gobyerno. Ganito ba dapat mga teh? Asan ang utak kala ko ba matalino kayo? Mga graduate ng UT university of twitter."

Si Ethel Gabison ay kilalang komedyante at singer. Siya ang tinanghal na kauna-unahang kampiyon ng Tawag ng Tanghalan: Celebrity Edition.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Kamakailan, naging viral ang kanyang pagbabahagi ng kanyang saloobin hinggil sa Anti-Terror Bill at Mass testing.

Naging kontrobersiyal din si Ethel matapos niyang ibunyag na hindi siya ang may hawak ng Twitter Account na nauna niya nang inako.

POPULAR: Read more about Ethel Booba here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel