'Healing Touch' priest Fr. Larry Faraon, pumanaw sa edad na 64

'Healing Touch' priest Fr. Larry Faraon, pumanaw sa edad na 64

- Pumanaw na ang si Rev. Fr. Larry Faraon sa edad na 64 ngayong araw, Hulyo 26

- Siya ang host ng radio show na "Healing Touch" ng Radio Veritas

- Naisugod pa siya sa ospital nitong Sabado, Hulyo 25 ngunit inilipat din sa ibang ospital kinagabihan

- Negatibo sa COVID-19 ang resulta ng isinagawang rapid test sa pari ngunit wala pang resulta ang RT-PCR test

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

'Healing Touch' priest Fr. Larry Faraon, pumanaw sa edad na 64

Source: Veritas846.ph source: Facebook
Source: Facebook

Sumakabilang buhay na si Rev. Fr. Larry Faraon bandang alas tres ng madaling araw ngayon, Hulyo 26.

Si Fr. Larry ay ang host ng radio show na "Healing Touch" ng Radio Veritas tuwing Linggo.

Nalaman ng KAMI na ang mismo niyang kapatid na si Ric ang nagkumpirma ng nakalulungkot na balita.

Ayon sa ulat ni Manny Vargas ng Dobol B sa News TV, Hulyo 25 nang madala pa sa Providence Hospital ang pari. Kinagabihan, nailipat pa raw ito sa intensive care unit ng Capitol Medical Center.

Pneumonia ang naging sanhi ng pagkamatay ng pari. Lumabas din sa isinagawang rapid test kay Fr. Larry na negatibo ito sa COVID-19.

Wala pang resulta ang RT-PCR test upang ito ay makumpirma.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Katatapos pa lamang magdiwang ni Fr. Larry ng kanyang ika-64 na kaarawan noong Hulyo 4.

Bagaman at namamalagi siya sa Metro Manila, sa Diocese ng Batanes talaga siya naka-assign.

Tubong Laguna si Fr. Laureano Balverde Faraon at mula pa dekada 80 ay isa na siyang radio commentator at manager ng Radio Veritas.

Isa rin siyang kolumnista ng pahayagang The Daily Tribune.

Sa Facebook post ng Veritas846.ph, bumuhos ang halo-halong emosyon ng mga netizens na biglaang pagkawala ng pari.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Karamihan ay nakikidalamhati sa kanyang maagang pagpanaw habang ang iba naman ay nagpasalamat sa dedikasyong ibinigay niya ispiritwal na bahagi ng kanyang buhay.

Si Fr. Larry ang ikalawang healing priest na pumanaw ngayong taon.

Matataandang noong Pebrero 4, sumakabilang buhay si Fr. Fernando Suarez sa edad na 54.

Naglalaro lamang umano ng tennis si Fr. Suarez nang bigla itong bumulagta. Inatake na pala ito sa puso at nadala pa ito sa Asian Hospital kung saan siya binawian ng buhay.

Nakakalulungkot isipin na ang mga paring ito na pinaniniwalaang nakakapagpagaling ng mga deboto ay pumanaw na sa panahong humaharap pa sa matinding krisis di lamang ang bansa kundi maging ang mga buong mundo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel