Graduation, ginawang house-to-house na lang ngayong may banta ng COVID-19

Graduation, ginawang house-to-house na lang ngayong may banta ng COVID-19

- Nais ng mga guro na gawing espesyal ang graduation ng kanilang mga estudyante

- Kaya naman, naisip ng mga guro na gawing house-to-house na lang ang mga ito para personal na mahatid ang diploma nila

- Kumpleto pa ng background at sound system ang mga ito para sa kanilang kakaibang graduation

- Sa ngayon ay nasa general community quarantine pa rin ang Quezon kaya hindi pa pwedeng lumabas ang mga kabataan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang kakaibang graduation na ginawa sa Panukulan, Quezon nitong Huwebes.

Nalaman ng KAMI na dahil sa banta ng COVID-19 ay naging maparaan ang paaralan upang mairaos ang graduation.

Graduation, ginawang house-to-house na lang ngayong may banta ng COVID-19

Photo from the Facebook account of Peewee C. Bacuño
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng GMA News Online, masayang ginawa ng Panukulan National High School (PNHS) ang kanilang house-to-house graduation.

Sa ngayon, bawal pa rin ang mass gathering dahil sa COVID-19. Kaya naman, naisip ng mga guro na pumunta na lang sa bahay ng mga estudyante para ihatid ang mga diploma ng mga nakapagtapos sa senior high school.

Gumamit sila ng isang tricycle kung saan sila nagkabit ng mga dekorasyon para magsilbing background para sa pagkuha ng litrato ng mga graduating students.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

May karga rin na sound system ang tricycle na talaga namang kumumpleto sa graduation ng mga estudyante.

Dahil dalawang toga at cap lang ang meron sila, pinagpasa-pasahan na lang ito ng mga bata. Gusto raw ng mga guro na maging espesyal ang graduation ng mga estudyante nila kaya naman ginawan nila ng paraan na matupad ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa ngayon, nasa modified general community quarantine ang Quezon. Kaya naman, ipinagbabawal pa rin rito ang paglabas ng mga bata at kabataang wala pang 21 taong gulang.

Samantala, sa Wuhan University naman ay nagkaroon din ng espesyal na graduation. Kapansin-pansin nga ang social distancing sa mga estudyante rito.

Ngunit ang isang graduation naman sa Camarines Norte ay umani ng batikos matapos masapul sa video na iisang face mask lang pinagamit sa mga estudyante.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel