Matteo Guidicelli, pinakilig ang AshMatt fans sa kanyang birthday greeting sa kanyang misis

Matteo Guidicelli, pinakilig ang AshMatt fans sa kanyang birthday greeting sa kanyang misis

- Kinakiligan ng mga fans ng mag-asawang Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang mensahe ng aktor para sa kanyang asawa

- Kasalukuyang nasa Amanpulo ang dalawa para sa kanilang honeymoon at kasabay na rin ng pagdiriwang ng kaarawan ng Pop star

- Ibinahagi ng aktor kung gaano siya kasaya at kung gaano niya ipinagmamalaki ang kanyang maybahay

- Matatandaang ikinasal sila nitong Pebrero ng kasalukuyang taon ngunit hindi na natuloy ang kanilang honeymoon dahil sa pandemya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong pagmamalaking binati ni Matteo Guidicelli ang kanyang misis na si Sarah Geronimo sa kaarawan nito ngayong araw.

Kalakip ng kanilang litrato na kuha sa kanilang honeymoon sa Amanpulo ay isang maikli ngunit taos-pusong mensahe para sa pop star.

"Happy birthday my lovely wife. I’m so proud of you. You deserve all the happiness and positivity that life has to offer. Whatever dreams you want to achieve, I’m here by your side. You are so beautiful. Happy birthday!" ani Matteo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kinakiligan naman ito ng mga tagahanga nila na kilala sa tawag na AshMatt fans.

Such a lovely couple. ❤️ happy birthday Idol @justsarahgph
Omggg heart attack!!!
Wahhhhhh! Worth it yung paghihintay!!!!! ❣️ Happiest birthday po ate @justsarahgph ❣️

Si Sarah Geronimo ay kilala sa bansag na Popstar. Bukod sa husay niya sa pagkanta at pagsayaw, marami na rin ang bumilib sa husay niya sa pag-arte. Una siyang nakilala noong siya ay labing-apat na taong gulang nang manalo sa Star for A Night.

Si Matteo Guidicelli ay isang aktor, modelo at triathlete. Nakilala siya sa kanyang mahusay na pagganap sa ilang serye at pelikula kagaya ng Saturday Night Chills (2013), Can't Help Falling in Love (2017) atPaglaya sa Tanikala (2012).

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Matatandaang nabalot ng kontrobersiya ang kasalang Matteo at Sarah matapos magkagulo dahil sa pagsugod ng ina ng singer. Napag-alamang hindi nila ipinaalam maging sa ina ni Sarah ang kanilang pagpapakasal.

Matapos ang apat na buwan, nanatiling tikom ang bibig ng magkaparehong kampo kaugnay sa isyu ng pagsugod umano ni Mommy Divine sa reception ng kanilang kasal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel