Steve Dailisan, kinumpirma na tuluyan na siyang nawalan ng trabaho

Steve Dailisan, kinumpirma na tuluyan na siyang nawalan ng trabaho

- Tahasang inamin ng dating GMA News reporter na si Steve Dailisan na tuluyan na siyang natanggal sa kanyang trabaho

- Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa pagiging piloto ng Cebu Pacific ng dating news reporter

- Gayunpaman, bunsod ng krisis na dulot ng pandemya, kinailangang magtanggal ng mga empleyado ng maraming establisyemento

- Sa kanyang pamamaalam ay abot-abot ang pasasalamat ni Steve sa kumpanyang nagbigay sa kanya ng pagkakataon na matupad ang kanyang pangarap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng dating GMA News reporter na si Steve Dailisan na hangang Agosto na lamang siya sa kumpanyang pinagtatrabahuhan niya.

Bunsod ng krisis na dulot ng COVID-19, kabilang siya sa mga empleyado na natanggal sa airline company kung saan siya nagtatrabaho bilang isang piloto.

Sa isang tweet, ibinahagi ni Steve ang maikling mensahe ng pasasalamat sa Cebu Pacific. "I was told in a video conference that I only have until August this year with my present company. COVID19 stole the very heart or my dream-flying. This definitely will not be the end. For now, I only have to say, FLY WITH YOU SOON. Thank you,Ceb!"

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng dating news reporter na hindi niya inasahan na isa siya sa maapektuhan ng pandemya.

Steve Dailisan, kinumpirma na tuluyan na siyang nawalan ng trabaho

Steve Dailisan (Photo from Steve Dailisan's Instagram account)
Source: Instagram

"When the pandemic took a big blow in our lives I never thought that it would hit me hard. As a news person, I thought I've witnessed too many bad times."

Ibinahagi niya na 10 buwan lamang tumagal ang kanyang trabaho.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

It's a shortlived moment but I will always treasure the opportunity given by Cebu Pacific. I will be forever grateful to everyJUAN I've flown with. Ultimately, its a humbling experience.

Gayunpaman, nanatiling positibo ang kanyang pananaw. Pinayuhan niya rin ang kagaya niya na nawalan ngayong panahon. Kagaya niya, dapat ay lagi umanong manalig sa plano ng Panginoon para sa bawat isa.

And to you who's reading this lengthy post, just keep going. If you lost something or someone during this crucial time, cry for a while. Mourn if you must. Let it all out. Have that one last cry and then, move on. Don't rush in trying to find the meaning in all of these but learn to move forward as quickly as you can. At the end of the day, we should just trust God's plan. I am.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Steve Dailisan ay dating GMA News reporter na naging World Silver Medalist sa 2014 New York Festival. Nakilala din siya sa kanyang dokyumentaryong “Kicks of Hope” (Sipa ng Pagasa) for The Brigade (Brigada).

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa pagiging piloto ni Steve Abril noong nakaraang taon.

Matapos maapektuhan ang kanyang trabaho dahil sa pandemya, naging online seller siya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel