Anak, ibinarter ang tanim na pomelo para may maipambili ng gamot ang inang may sakit

Anak, ibinarter ang tanim na pomelo para may maipambili ng gamot ang inang may sakit

- Naisipan ng anak na i-barter ang pomelo para may maipambili ng gamot ang inang may karamdaman

- Ginagawa ng anak ang lahat upang maalagaan ang kanyang inang may sakit kasabay ng banta ng COVID-19

- Sa hirap ng panahon ngayon dala ng krisis, lahat daw ay handang gawin ng anak para maipagpaptuloy ang gamutan ang ina

- Mahirap para sa anak ang sitwasyon dahil noong kalakasan pa ng kanyang ina, malaki ang isinakripisyo nito sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Anak, ibinarter ang tanim na pomelo para may maipambili ng gamot ng inang may sakit

Source: Kapuso Mo, Jessica Soho source: Facebook
Source: Facebook

Handang gawin ng anak na si Sheila ang lahat upang maipagpatuloy pa rin ang gamutan ng ina niyang si Nenita.

Nalaman ng KAMI na mayroong Parkinson's disease si Nanay Nenita kaya naman nangangailangan ito ng check-up at mga gamot.

Ang Parkinson's disease ay isang kondisyon sa utak kung saan ang inboluntaryong gumagalaw ang ilang bahagi ng katawan ng mayroon nito na nagiging sanhi ng hirap nito sa pagtayo at paglakad ayon sa Medical News Today.

Dahil dito, tutok na tutok talaga si Sheila sa kanyang ina at nais pa rin niya itong maipagamot.

Ang problema, aminado ang anak na walang-wala talaga sila ngayong lalo na at dumaranas ng krisis ang bansa maging ang buong mundo dahil sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero hindi basta sinukuan ni Sheila ang ina kaya naman gumagawa pa rin siya ng paraan para matustusan ang pangangailangan nito.

At dahil may tanim silang pomelo o lukban sa kanilang lugar, ito ang naisip niyang paraan para makakuha ng kanilang pangaraw-araw na kailangan.

Nauso kasi ang barter o palitan ng mga gamit o pagkain depende sa kailangan mo.

Kaya naman naisipan niyang i-barter na lamang ang pomelo na meron sila para lang maituloy ang gamutan ng ina.

Bagaman at alagang-alaga naman ni Sheila ang kanyang ina, nakukulangan pa rin siya sa mga ginagawa niyang ito para sa ina.

"Pero ngayong ganito ang kanyang kondisyon, hindi ko mabigay sa kanya ‘yung kailangan niya. Ang mga pomelo na lang sa puno ang inaasahan namin para mabilhan namin siya ng gamot,” pahayag ni Sheila sa panayam sa kanya ng programang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Ayon sa anak, matindi ang naging sakripisyo ng kanyang ina para sa kanila. Halos naibibigay nito ang lahat ng kanilang mga kailangan kaya naman bilang ganti, nais niya itong suklian ng pagmamahal at walang hanggang pagkalinga gayundin ang sana'y maipagamot ito.

Ngunit dahil sa matinding kagipitan, tanging ang bunga ng pomelo lang ang kanilang inaasahan para mairaos ang sitwasyon nilang mag-ina sa araw-araw.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Malaking bagay ang barter sa panahon ngayon na nakararanas tayo ng pandemya. Sa dami ng nawalan ng trabaho, ito ang isa nilang paraan para mayroon silang makain o may pagkakitaan.

Minsan na ring naging daan ang barter para may maihanda ang isang batang hindi pa nakararanas na ipagdiwang ang kanyang kaarawan nang mayroong kaunting salo-salo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel