Teri Onor, tumulong na matupad ang huling pangako ni Kim Idol para sa pamilya

Teri Onor, tumulong na matupad ang huling pangako ni Kim Idol para sa pamilya

- Nakipagtulungan si Teri Onor sa programang Wish Ko Lang para matupad ang pangako ng kaibigang si Kim Idol

- Ibinahagi ng komedyante na laging inihahabilin ng kaibigan sa kanya ang kanyang pamilya

- Kaya naman sa tulong programa ni Vicky Morales, naibigay sa pamilya ni Kim Idol ang ilang gamit sa bahay at ilang paninda

- Matatandaang sumakabilang buhay si Kim noong ika 13 ng Hulyo ngayong taon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ibinahagi ng komedyanteng si Teri Onor ang naging hiling ng kanyang kaibigang si Kim Idol bago ito pumanaw. Palagi umanong inihahabilin ni Kim ang kanyang ina at kanyang pamilya sa kaibigan.

Naibahagi niya sa kaibigang si Teri ang kanyang pangarap para sa kanyang pamilya ngunit hindi na niya ito natupad nang tuluyan na siyang mamaalam nitong Hulyo 13.

Isang maliit na negosyo ang nais sanang maibigay ni Kim sa kanyang Nanay Mary na magdidiwang ng kanyang kaarawan ngayong Agosto.

Teri Onor, tumulong na matupad ang huling pangako ni Kim Idol para sa pamilya

Kim Idol (Photo from Kim Idol's Facebook Account)
Source: Facebook

Ani Teri, nais niyang tuparin ang pangarap ng kaibigan dahil ramdam niya kung gaano nito kamahal ang pamilya.

"Kim, katulad ng paulit-ulit na sinasabi mo sa akin sa messenger o sa text o sa tawag, binibilin mo yung nanay mo. Ipanatag mo ang sarili mo, gagawin ko yun dahil nakita ko ang pagmamahal mo para sa nanay mo at sa pamilya mo."

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa tulong ng programang Wish Ko Lang ni Vicki Morales, nabigyan ng mga gamit sa bahay ang ina ni Kim Idol upang hindi na ito mahirapan sa kanyang pang-araw-araw na gawain. Gayundin, may munting negosyong handog ang programa para kay Nanay Mary at sa mga kapatid ni Kim Idol.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Teri Onor o si Dexter Bautista Dominguez sa totoong buhay ay isang aktor, komedyante at performer. Ilan sa mga nagawa niyang pelikula at serye ay Darna (2009), Fantastic Man (2003) at Dyesebel (2008).

Isa si Teri Onor sa mga kaibigan ng yumaong si Kim Idol. Maging ang kasamahan nilang si Ate Gay ay nagbahagi ng kaniyang kalungkutan sa pagkawala ng kaibigan.

POPULAR: Read more about Entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Mailfire view pixel