Groom na namatayan ng bride ilang araw bago ang kasal, nagpaluha sa mga EB host

Groom na namatayan ng bride ilang araw bago ang kasal, nagpaluha sa mga EB host

- Marami ang naantig sa kwento ng isang lalaking namatayan ng fiancée ilang linggo bago ang kanilang kasal

- Nakahanda na ang lahat para sa kanilang pag-iisang dibdib nang tamaan ng meningitis ang bride na naging dahilan ng pagkakalagak niya sa ospital

- Pitong buwan na ang nakalipas ngunit magpasa-hanggang ngayon ay ramdam pa ng lalaki ang biglaang pagkawala ng kanyang pinakamamahal

- Maging ang mga hosts ng Eat Bulaga ay di napigilang maluha dahil sa nakakadurog ng pusong kwento ng contestant

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Groom na namatayan ng bride ilang araw bago ang kasal, nagpaluha sa mga EB host

Source: AlDub Updates source: Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng marami ang kwento ng contestant ng 'Bawal Judgmental' ng Eat Bulaga na namatayan ng bride ilang araw bago ang kanilang kasal.

Nalaman ng KAMI na kasado na ang lahat para sa kanilang kasal nang dinapuan ng meningitis ang fiancée ng contestant na si Tony.

Ang meningitis ay ang pamamaga ng meninges na nagsisilbing covering at proteksiyon sa utak at spinal cord ayon sa Medical News Today.

Kwento ni Tony, Laking gulat nila nang tamaan ang kanyang nobya ng ganitong kondisyon na naging sanhi ng pagkakalagak nito sa ospital.

"Same ng month ng kanyang pagkamatay dapat ikakasal kami," salasay ni Tony.

December 21 noong 2019 sana ang kasal nina Tony ngunit sa kasamaang palad, pumanaw ang kanyang bride noong Disyembre 2.

Napakahirap ng pinagdaanan nila dahil dito. Lalo na nang dumating na sila sa puntong nagbibilin na ang kanyang bride sakaling hindi na nito kayanin ang kanyang karamdaman.

At dahil handa na ang lahat, nagawa pa rin nilang kunin ang gown ng bride ilang araw matapos itong pumanaw.

Maging ang may-ari ng shop kung saan ito pinagawa ay naluha at nalungkot sa nangyari kaya binigyan na rin sila ng discount.

At ang pinakamahirap sa lahat ay ang mga dumaang araw na wala na talaga ang minamahal ni Tony ngunit kinakailangan pa rin niyang ipagpatuloy ang buhay.

"Pagsasabayin mo yung work, papasok ka sa work kasi iisipin mo professional ka tapos pag-out mo nasa ospital ka, iiyak ako nasa fire exit, iiyak ako sa simbahan, ang hirap, ang hirap balansehin lahat," pagbabalik-tanaw ni Tony.

Dahil dito, maging ang ilang mga Eat Bulaga host tulad ni Paolo Ballesteros at Allan K ay di napigilang maiyak.

Pitong buwan na ang nakalilipas, ngunit tila sariwa pa rin para sa contestant ang sakit na dulot ng pagkawala ng kanya sanang magiging misis.

Narito ang kabuuan ng video na binahagi ng AlDub Updates:

Masakit itong isipin dahil habang ang ilan ay nagagawa pang pakasalan ang kanilang minamahal kahit nasa bingit na ito ng kamatayan, hindi na ito nagawa pa ni Tony sa biglaang pagkawala ng kanyang kabiyak.

Ngayon na may banta pa rin ng pandemya, nabibigyan pa rin ng pagkakataong ikasal ang iba sa simpleng paraan ngunit hindi pa rin ito magagawa ni Tony dahil iniwan na siya ng kanyang pinakamamahal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel