Liza Soberano napa "ouch" sa pahayag ni Aljur Abrenica kaugnay sa ABS-CBN franchise

Liza Soberano napa "ouch" sa pahayag ni Aljur Abrenica kaugnay sa ABS-CBN franchise

- Hindi napigilan ng Kapamilya actress na si Liza Soberano ang mag-react matapos lumabas ang pahayag ni Aljur Abrenica

- Kamakailan ay inihayag ni Aljur na against din siya sa pagkabasura ng prangkisa ng ABS-CBN

- Gayunpaman, inalmahan ng maraming Kapamilya network supporters ang ilang bahagi ng kanyang pahayag

- Bahagi ng naging statement ng aktor ang mga salitang "It’s beyond me... their fight is their fight"

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami sa mga supporters ng ABS-CBN ang umalma sa naging pahayag ng aktor na si Aljur Abrenica kaugnay sa pagkakabasura ng franchise renewal ng ABS-CBN.

Matatandaang sinabi niyang pro franchise siya pero hindi lang siya kasing-vocal ng kanyang nakakabatang kapatid.

Liza Soberano napa "ouch" sa pahayag ni Aljur Abrenica kaugnay sa ABS-CBN franchise

Liza Soberano (Photo from Flickr)
Source: UGC

"Pero it’s beyond me. Ibig kong sabihin, their fight is their fight. Matagal na yung nangyayari. I don’t know the details... Ako, bilang isang artista, hindi ko alam. Ang alam ko lang, yung behind camera, so I’m really looking forward…," aniya sa isang Zoom conference ng pagbibidahan nilang pelikula ni JC de Vera na Escape From Mamasapano.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Ibinahagi ng isang Kapamilya writer sa twitter ang isang news article tungkol sa pahayag ni Aljur. Kalakip nito ay ang mga katagang, "Nakakalungkot lang na may mga artista pala kaming hindi talaga naiintindihan ang buong pangyayari."

Isang maikling "Ouch" ang naging tugon ni Liza Soberano sa tweet na ito.

Liza Soberano napa "ouch" sa pahayag ni Aljur Abrenica kaugnay sa ABS-CBN franchise

James Banaag/Twitter
Source: Twitter

Narito ang ilan sa mga reaction ng netizens hinggil sa isyung ito:

Obviously takot sa father in law and obviously wala shang pakielam. Tama lang na pinaalis sha ni Richard Gutierez sa table way back party moments lol user friendly ang itlog!!
Hindi naman sya true blooded Kapamilya, don’t expect too much from aljur Face with tears of joy I remember at some point sinubukan i-rival sa Kimerald ung loveteam nila ni Kris Bernal
Another puppet of Padilla, even Mariel was dead silent!

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Hope Elizabeth Soberano, o mas kilala bilang si Liza Soberano, ay pinanganak sa Santa Clara, California. Filipino ang ama ni Liza habang American naman ang kanyang ina.

Namataan si Liza ng isang talent scount noong siya ay 13 years old palang at pinakilala sa manager niya ngayon na si Ogie Diaz.

Matatandaang isa si Liza Soberano sa artistang aktibong nagtatanggol at sumusulong na muling maibalik ang ABS-CBN. Hindi niya pinalampas ang pahayag na maghanap na lamang ng ibang trabaho ang mga empleyadong nawalan ng trabaho sa pag shut down ng ABS-CBN.

Nagbigay din sila ni Enrique Gil ng mensahe para kay Rep. Rodante Marcoleta sa kalagitnaan ng pagdinig ng franchise renewal ng Kapamilya network.

POPULAR: Read more about Liza Soberano here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel