11-anyos na bone cancer patient, lalong gumaling sa pagguhit kahit putol na ang isang braso

11-anyos na bone cancer patient, lalong gumaling sa pagguhit kahit putol na ang isang braso

- Marami ang namangha sa husay ng 11-anyos na batang cancer patient sa pagguhit

- Napansin ng kanyang ina na kahit naputol na ang kanang braso ng anak, mas lalo raw itong gumaling sa pagguhit gamit ang oil pastel

- Tila mas nagpursige pa ang bata nang magkaroon ito ng karamdaman at hindi ito naging hadlang para mas lalo pa niyang pag-ibayuhin ang kanyang husay sa pagguhit

- Katunayan, nanalo na siya sa isang international poster making contest tungkol sa mga frontliners

- Ang iba niyang obra ay naibenta na rin habang ang ilan naman ay naibigay na niya sa kanyang mga doktor at nurse bilang pasasalamat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

11-anyos na bone cancer patient, lalong gumaling sa pagguhit kahit putol na ang isang braso

Source: Gretchen Taruc source: Philippine Star Facebook
Source: Facebook

Tunay na kahanga-hanga ang galing ng batang si Prince Ashlee Taruc sa pagguhit gamit ang oil pastel at illustration board.

Nalaman ng KAMI na isang bone cancer patient ang 11-anyos na si Prince at kinailangan pang putulin ang kanang braso niya dahil sa naging komplikasyon na ng kanyang karamdaman na hindi na raw umano kakayanin ng chemotherapy.

Kwento pa ng ina ni Prince na si Gretchen sa Philippine Star, taong 2019 nang ma-diagnose ang anak ng naturang cancer at Enero ng kasalukuyang taon naman na-amputate ang braso nito.

Ngunit sa kabila ng mga pagsubok na ito sa buhay, di pa rin bumitaw sa pagguhit si Prince.

Mas lalo pa raw naging determinado ang bata na pag-ibayuhin pa ang kanyang talento.

Dahil dito nanalo na rin ang kanyang mga artworks sa iba't ibang paligsahan at isa na rito ang international poster making contest tungkol sa mga frontliners.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

"Hindi po hadlang sa kaniya ang kawalan ng isang kamay mas nagpursige po siyang ipakita na kaya pa din po niya gumawa ng arts kahit na isa na lang ang kamay niya at mas lalo po siyang humusay gumuhit,” pahayag ng ina ni Prince.

Dalawa hanggang tatlong araw ang itinatagal ni Prince sa paggawa ng kanyang obra. Sa ngayon, nasa 20 na ang natitira sa kanyang koleksyon.

Ang iba kasi sa mga ito ay kanya nang nai-benta habang ang ilan ay naibigay na niya sa kanyang mga doktor at nurses bilang pasasalamat.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakaka-inspire ang kwento na ito ni Prince na sa kabila ng napakaraming pagsubok ng kanyang kalagayan, dumagdag pa ang krisis na dulot ng COVID-19, nanatili siyang positibo sa buhay ay nagdudulot pa siya ng saya sa iba dahil sa kanyang mga magagandang obra.

Nakamamangha ang mga ganitong klaseng tao na sa kanila ng kanilang karamdaman at kapansanan ay hindi sila nagpapatalo sa mga hamon ng panahon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel