P300,000 ang natangay! 'Salisi Gang', nahuli matapos na ulitin ang bagong modus
- Kahit may pandemya, patuloy pa rin ang pagsasagawa ng pagnanakaw ng tinatawag na 'Salisi Gang' sa Maynila
- Ang bago nilang modus ay nasapul pa sa CCTV kung saan isang babaeng driver ang kanilang nabiktima
- Ngunit dahil inulit pa nila ang gawain, nahuli na ng Manila Police District ang anim na magkakasabwat sa pagnanakaw na ito
- Mariing pinag-iingat ng mga awtoridad ang publiko lalo na ngayong hinahagupit pa rin ng krisis ang bansa dahil sa COVID-19 kaya naman may mga nakakaisip ng hindi magandang gawain
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Patuloy pa rin ang operasyon ng pagnanakaw ng grupong tinatawag na 'Salisi Gang' sa Maynila.
Nalaman ng KAMI na ang grupong ito ay dating umaatake sa mga restaurant ngunit dahil sa community quarantine at limitado pa rin ang mga tao sa mall at kainan, sa kalsada na muli nambiktima ang grupo.
Sa isang CCTV footage na binahagi ng ABS-CBN News, makikita kung paano nalinlang ng grupo ang isang babaeng driver na napababa nila ng sasakyan nito.
Nagkunwaring may naiwan sa likod na bahagi ng sasakyan na ituturo ng isa sa mga miyembro ng 'Salisi Gang.'
Nang bumaba na ang babae, mabilis na binuksan ng dalawang lalaking kasabwat ang kabilang pinto ng kotse saka natangay ang mga gamit at pera ng babae.
Pagbalik ng babae sa manibela, doon na lamang niya napansing nanakawan na siya.
Tinangka pa umanong habulin ng babae ang lalaking nanlinlang sa kanya ngunit mabilis na itong nakatakas.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Umabot sa ₱300,000 ang pera at halaga ng gamit na nalimas ng mga magnanakaw sa sasakyan ng babae.
Samantala, nahuli ang anim na miyembro ng grupong ito matapos na ulitin ang bago nitong modus.
Paalala ni Police Lt. Col. Carlo Manuel, public information officer ng Manila Police District, na mas lalong mag-ingat sa panahon ngayong tila naglipana pa rin ang mga kawatan sa kabila ng banta ng COVID-19.
"Sakaling may kakatok, wag po tayo agad bababa pwede kung talagang nagdududa tayo pwede tayo pumarada sa lugar na may security guard o may tao na kung bababa ka man hindi maiiwan na unattended sasakyan. Siguraduhin natin nakalock atin mga pinto," paalala ng Manila Police.
Mahaharap sa kasong pagnanakaw ang anim na suspek.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Nakalulungkot isipin na kasabay ng pandemya ang patuloy na nakagagawa ng di maganda ang ilan sa ating mga kababayan.
Tulad na lamang ng isang motorcycle rider na tila nagpanggap pang delivery rider. Kapansin-pansin na ito dahil walang plaka ang motor na gamit na naging getaway vehicle niya matapos na makapagnakaw.
Gayundin ang isang lalaki na pati ang matandang nangangalakal ay nagawa ring pagnakawan.
Maging alisto lalo na sa mga lumalabas ng bahay dahil sa kabila ng banta ng COVID-19, may mga nakagagawa pa rin ng krimen ng walang pinipiling oras.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh