Dating crew ng fast food, umaasa na lang ng tira-tira sa resto para may makain

Dating crew ng fast food, umaasa na lang ng tira-tira sa resto para may makain

- Tampok sa social media ngayon ang kwento ng isang lalaking nagtatrabaho bilang crew ng fast food resto noon

- Ayon sa viral post, maging ang payong niya ay binebenta na niya ngayon para lang may kitain siya

- Bukod pa rito, umaasa na lang din siya ng pagkain na tira-tira mula sa coffee shop

- Nagbahagi naman ng reaksyon ang mga netizens sa sinapit ng lalaking ito ngayong may krisis

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ang isang lalaki na dating crew ng isang sikat na fast food chain pero tinamaan ng matinding kahirapan ngayon.

Nalaman ng KAMI na ngayon ay sa tira-tira na lang ng isang sikat na coffee shop siya umaasa ng makakain.

Dating crew ng fast food, umaasa na lang ng tira-tira sa resto para may makain

Larawan mula sa Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa Facebook post ni Honorio Poblador, ang lalaki ay nakita sa Makati City. Disente ang suot nito at mukhang maayos naman ang kalagayan.

Subalit, binebenta na raw nito ang kanyang sariling payong sa halagang P20 para lang kumita. Aniya, dati raw siyang nagtatrabaho sa BonChon at kasalukuyang naging palaboy na lang.

“Situation in Makati now, guy looks decent and harmless. Selling his umbrella for just 20 pesos,” aniya.

Kadalasan ay sa may tapat na lang daw siya ng Starbucks tumatambay dahil namimigay ito ng libreng tubig at mga tira-tirang pagkain bago matapos ang araw.

“He told me he used to work at Bonchon. Sleeps on the street. One of many, they hang out near Starbucks as Starbucks gives them water and leftovers at the end of the day,” kwento pa sa post.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Maging ang mga netizens ay naawa sa nangyari sa lalaki. Narito nga ang mga komento nila sa Facebook post:

“This is heartbreaking. And not an isolated case.”
“this is so heartbreaking”
“this is so sad! “

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil nga sa krisis na dulot ng COVID-19, maraming mga Pilipino ang nawalan ng trabaho at nakakaranas ng matinding kahirapan ngayon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang flight attendant ng Philippine Airlines ang naglako na lang muna ng pares habang hindi pa regular ang mga flight sa bansa.

Samantala, naiulat din ng KAMI na ang isang flight attendant naman ng Cebu Pacific ang pansamantalang naging online seller at siya rin mismo ang nagdedeliver ng paninda niya.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel