Bata sa viral post tungkol sa pagsama niya sa aso sa labas ng coffee shop, inulan ng tulong

Bata sa viral post tungkol sa pagsama niya sa aso sa labas ng coffee shop, inulan ng tulong

- Dinagsa ng tulong ang batang lalaki sa viral post tungkol sa pagbabantay niya sa isang aso na nasa labas ng coffee shop

- Ayon sa uploader, mula nang mag-viral ang cute na kwento ng aso niyang si Mazikeen at ng batang si Rondel Sta. Ana, marami ang nagpaabot ng tulong sa bata

- Maging ang mga nasa California at Singapore na nakakita ng post ay nagpadala rin ng tulong para sa pamilya ni Rondel

- Bukod sa mga pangunahing pangangailangan nina Rondel at kanyang pamilya, may nag-alok din ng pagiging sponsor sa pag-aaral ng bata

- Bakas sa mukha ng bata ang labis na kasiyahan gayung hindi na siya mamamalimos para lang may makain silang mag-iina

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Bata sa viral post tungkol sa pagsama niya sa aso sa labas ng coffee shop, inulan ng tulong

Source: AJ Soriano/ Bayan mo, I-Patrol mo source: Facebook
Source: Facebook

Inulan ng napakaraming tulong ang batang si Rondel Sta. Ana matapos na mag-viral ang post tungkol sa kanyang pagbabantay sa asong si "Mazikeen the chow" sa labas ng isang coffee shop sa Taguig City.

Nalaman ng KAMI na hindi pinahintulutan ang furparent ni Mazikeen na si AJ Soriano na ipasok ito sa loob ng coffee shop kaya naman nag-alok si Rondel na bantayan na lamang ito.

Habang nasa loob si AJ, kitang-kita niya kung paano masayang nakikipaglaro si Rondel kay "Mazey" na parang kilalang-kilala na ang bata.

Maingat na hinahawakan ni Rondel si Mazey at nakuha pa nitong magpakita ng 'silly faces' upang animo'y mapatawa ang aso.

Bilang pasasalamat, binilhan naman ni AJ ng maiinom ang bata mula rin sa coffee shop.

At dahil marami ang naantig ang puso sa cute na kwento nina Rondel at Mazey, marami ang nagpaabot ng tulong sa bata.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lalo na nang malamang namamalimos pala talaga si Rondel upang may makain silang mag-iina.

Maging ang mga nasa California at Singapore na nakakita ng post ay nagpadala rin ng tulong para sa bata at sa pamilya nito

May nag-aalok na rin ng scholarship para sa bata upang masiguro ang pag-aaral nito.

Isinama rin ni AJ ang pamilya ni Rondel sa pamimili nila ng mga grocery items na mula sa mga tulong ng nagmalasakit sa bata.

Bakas ang kasiyahan ng bata maging ng ina nito dahil hindi na kailangan pang lumabas ni Rondel para mamalimos upang mayroon lamang silang makain.

Pati na rin ang T-shirt company na suot ni Rondel sa viral post ay nagpaabot na rin ng tulong sa bata.

Dahil sa kanyang kabutihan maging sa mga alagang hayop, tila nagkaroon siya ng munting gantimpala sa dami ng natanggap niyang biyaya.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Tunay na kahanga-hanga ang mga batang tulad ni Rondel na sa hangaring makatulong sa magulang, hindi alintana ang pandemya para lamang makapanlimos upang may makain sila.

Hangad ng marami, matuloy nga ang pag-aaral nito upang balang araw ay maging matagumpay siya sa buhay lalo na at mayroon siyang mabuting kalooban.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel