Kawawa naman! 87 anyos na lola, pumanaw habang nakapila para kumuha ng ayuda

Kawawa naman! 87 anyos na lola, pumanaw habang nakapila para kumuha ng ayuda

- Sa hindi inaasahang pagkakataon, biglang binawian ng buhay ang isang senior citizen habang nakapila para kumuha ng ayuda

- Ayon sa balita, kasama pa ng 87 anyos na nanay ang kanyang anak habang nakapila sa isang gym sa Bacolod City

- Masaya pa naman daw ito habang papunta sa gym dahil makukuha na sana nila ang tulong mula sa gobyerno

- Agad sinugod sa ospital ang ginang ngunit agad din itong binawian ng buhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Pumanaw ang isang 87 anyos na lola habang nakapila sa pagkuha ng ayuda sa Bacolod City.

Nalaman ng KAMI na nakapila si lola sa isang gym sa Brgy. Vilalmonte nitong Huwebes.

Kawawa naman! 87 anyos na lola, pumanaw habang nakapila para kumuha ng ayuda

Photo from Getty Images
Source: Facebook

Sa ulat ng ABS-CBN News, ang senior citizen na si Aurelia Magbanua ay residente ng Purok Sabes. Kasama pa niya ang anak niya habang nakapila sila.

Kwento ng anak niya, masaya pa ang nanay niya habang papunta sila ng gym dahil nga makakuha na sila ng ayuda. Subalit, laking gulat nito dahil biglang hinimatay ang nanay niya.

Sabi naman sa ulat ng RMN, sinugod pa sa ospital si nanay Aurelia, pero agad din naman itong binawian ng buhay doon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon kay Barangay Chairman Rommel Flores, nakaupo lang sa priority lane si Nanay Aurelia at ang anak niya nang bigla siyang mawalan ng malay.

Samantala, nasa 4,000 na residente naman ang pumunta sa gym para kumuha ng ayuda. Dahil sa haba ng pila, umabot na hanggang sa barangay hall umano ang pila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil sa community quarantine, maraming mga Pilipino nga ang nabigyan ng ayuda na parte ng social amelioration program (SAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang senior citizen na taxi driver naman ang nagkalad ng napakalayo para makuha ang tulong ng gobyerno. Subalit, hindi naman niya nakuha ang pera dahil wala umano siya sa listahan.

Hindi nagtagal ay nabalitang pumanaw na ang driver. Bago ito pumanaw ay malaki ang pasasalamat niya sa mga taong tumulong sa kanila ng asawa niyang na-mild stroke na noon.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel