COVID-19 patient na naka-home quarantine, dinagsa ng tulong mula sa kapitbahay

COVID-19 patient na naka-home quarantine, dinagsa ng tulong mula sa kapitbahay

- Dinagsa ng tulong ang isang COVID-19 patient sa Valenzuela na noo'y naka-home quarantine pa lamang

- Imbis na kutyain, pinadadalhan sila ng kanilang mapagmalasakit na kapitbahay ng masusustansiyang pagkain na makakatulong sa kanyang pagpapagaling

- Bukod dito, may mga 'note' pang isinisingit ang kapitbahay upang palakasin ang loob ng pasyente

- Laking pasasalamat ng COVID patient dahil sa kabutihan ng kapitbahay kahit limang buwan pa lamang sila sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

COVID-19 patient na naka-home quarantine, dinagsa ng tulong mula sa kapitbahay

Source: Philippine Star source: Facebook
Source: Facebook

Mabilis na nag-viral ang larawang binahagi ng COVID-19 patient sa Valenzuela kung saan ipinakita niya ang tulong na ibinibigay sa kanya ng kanyang kapitbahay.

Nalaman ng KAMI na naka-home quarantine ang pasyente nang ibinahagi niya ang larawan ng mga ibinibigay sa kanya ng mabait at mapagmalasakit na kapitbahay.

Makikita sa larawang ibinahagi rin ng Philippine Star na pawang mga masusustansiyang pagkain ang binibigay ng mga kapitbahay sa pasyente.

Mga prutas, frozen goods, lutong pagkain, tinapay, tubig, vitamins, face masks at iba pang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya ay naibibigay ng mga kapitbahay na may mabubuting puso.

Kalakip pa ng mga pagkaing ito ang mga 'note' upang palakasin ang loob ng pasyente sa laban nito kontra COVID-19.

Mapapansin na hindi lamang isang beses kundi halos araw-araw na nakatatanggap ng tulong ang pamilya ng lalaking nagpositibo sa COVID-19.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Nakakataba ng puso ang bigay ng mga kapitbahay naming hindi naman namin kilala. Lalo pa 5 months palang kaming nangungupahan dito sa Valenzuela," ayon sa lalaki.

Samantala, nagbigay na rin ng update ang lalaki na malilipat na siya sa isang isolation facility sa kanilang lugar kung saan maiiwan niya pansumandali ang misis na buntis at kanyang kapatid.

Kahanga-hanga ang ginagawang ito ng kapitbahay na imbis na kutyain, pandirihan o katakutan ang pasyenteng may virus, tinutulungan pa niya ito sa abot ng kanyang makakaya.

Maging ang mga netizens ay napabilib sa kabutihan ng kapitbahay na ito na sana raw ay mabigyan ng pagkakilanlan balang araw.

Nararapat lamang na pamarisan ito ng marami lalo na at mas madalas na makutya ang mga tinatamaan ng COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Gayunpaman, isa itong patunay ng pagiging matulungin ng mga Pilipino lalo na sa kanilang mga kapitbahay, kilala man nila o hindi.

Ang maganda pa rito, kahit saan dalhin ang mga Pinoy, ipinapakita pa rin natin ang pagmamalasakit sa kapwa tulad na lamang ng isang OFW sa Dubai na kahit nawalan na rin ng trabaho, nakuha pang magpakain ng kapwa niya Pilipino roon na nakararanas na ng gutom dahil na rin sa kawalan ng hanapbuhay.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel