Netizen, ibinida ang pagbabalik ng Pinoy's favorite na Ma Ling

Netizen, ibinida ang pagbabalik ng Pinoy's favorite na Ma Ling

- Laking-tuwa raw ng isang netizen nang makita ang paborito ng kanilang pamilya sa isang grocery store, ang Ma Ling

- Matatandaang ipinagbawal ang nasabing de lata matapos kumalat sa iba't ibang bansa ang African Swine Fever, kabilang na ang China kung saan nagmula ang Ma Ling

- Pero sa halip na karne ng baboy, manok daw ang ginamit sa Ma Ling na nabili ng netizen

- Mabilis namang kumalat sa social media ang post na ito at marami nga sa mga netizens ay na-excite na sa pagbabalik ng paboritong ulam ng Pinoy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Laking-tuwa raw ng netizen na si Carla Cabaltera nang makitang mayroon na uling Ma Ling na itinitinda sa isang grocery store sa Mandaluyong.

"Nakakatuwa hahahaha may MALING na pala ulit sa puregold Ang saya saya ko Kasi sobrang favorite ng anak ko to ngayon Lang namin nalaman hahahaha.
"Oh Yung mga dipa nakakaalam dyan hahahhaa MERON na ulit sugod na sa PUREGOLD.
"Ang mura nya pati ngayon , 97 pesos Lang dating 100plus.
"#LabasMgaMalingLover"

Matatandaang ipinagbawal sa bansa ang pagbebenta ng Ma Ling at iba pang de lata na gawa sa karne ng baboy noong nakaraang taon matapos kumalat ang African Swine Fever (ASF) sa iba't ibang bansa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Pero base sa post ni Cabaltera, sa halip na karne ng baboy ay karne ng manok ang ginamit sa Ma Ling na nabili nito. Halos wala rin daw pinagkaiba ang lasa nito sa Ma Ling na gawa sa baboy.

Netizen, ibinida ang pagbabalik ng Pinoy's favorite na Ma Ling

Photo from Carla Cabaltera Facebook account
Source: Facebook

"Chicken meat siya pero pwede na bawal pa kasi yung beef and pork," anito.

Ipinakita pa nga nito sa isang video ang Ma Ling na kanyang nabili at nang mismong lutuin niya ito na ayon pa sa netizen ay paborito ng kanyang mga anak.

Mabilis namang kumalat sa social media ang post na ito at marami nga sa mga netizens ay na-excite na sa pagbabalik ng paboritong ulam ng Pinoy.

"Salamat naman. Mkakakain n ko ng luncheon meat ulit."
"Yung gulat na gulat tayo kasi may maling na. Hahaha."
"mukhang great comeback nga talaga ang maling. hahaha."
"meron na pala ulit hahaha fave ulam."
"Wow! For real? Makabili nga ng madame HAHAHAH! All time Favorite, almusal, lunch or dinner walang sawa at di mag sasawa."

Sa kasalukuyan ay wala pang naiulat na pahayag ang mga awtoridad kaugnay ng pagbabalik ng Chinese made luncheon meat na Ma Ling sa bansa ngunit ayon sa ilang netizens ay mayroon na nga nito sa ilang grocery store.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa ang Ma Ling sa mga pansamantalang banned sa bansa dahil sa African swine fever virus na nakakaapekto na sa ilang bansa ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Noong 2019, nagkaroon ng temporary ban sa pag-import at pagbebenta ng mga processed pork meat sa bansa.

Ayon sa FDA ang swine fever ay isang “highly contagious” hemorrhagic disease na mula sa mga baboy,warthogs, European wild boar at American wild pigs.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel