Anak na lalaki, gabi-gabi umaakyat sa bintana para mabantayan ang nanay na may COVID-19

Anak na lalaki, gabi-gabi umaakyat sa bintana para mabantayan ang nanay na may COVID-19

- Tampok sa social media ngayon ang isang lalaking anak dahil sa kanyang labis na pagmamahal sa nanay niya

- Nagkaroon ng COVID-19 ang nanay ng lalaki kaya bawal niyang bisitahin ito sa ospital

- Kaya naman, gabi-gabi inaakyat ng lalaki ang bintana sa ICU upang mabantayan niya ang kanyang ina

- Lagi niyang ginagawa ito hanggang sa dumating ang araw na pumanaw na lang ang nanay niya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang lalaki ang hinangaan ng marami dahil sa kanyang kabaitan sa nanay niya.

Nalaman ng KAMI na nagkaroon ng coronavirus disease o COVID-19 ang nanay ng lalaki sa Palestine.

Anak na lalaki, gabi-gabi umaakyat sa bintana para mabantayan ang nanay na may COVID-19

Larawan mula sa Facebook page ng Jfranews
Source: Facebook

Sa Facebook post ng Jfranews, kailangan ipasok sa ICU ang nanay dahil naging malubha na ang sakit nito. Kaya naman, naghanap pa rin ng paraan ang anak upang mabantayan ang nanay niya.

Dahil hindi pwedeng pumasok sa ICU, minabuti ng anak na umakyat na lang gabi-gabi sa labas ng bintana ng ICU para makita pa rin niya ang kanyang nanay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Subalit, hindi naging madali ang lahat dahil hindi nagtagal ay pumanaw na rin ang nanay niya dahil sa COVID-19.

Base sa ibang ulat, ang lalaking ito ang kanyang bunsong anak. Samantala, bukod sa COVID-19 ay maroon din daw leukemia ang nanay nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami nga ang pumanaw sa iba’t-ibang parte ng mundo ngayon dahil sa COVID-19. Kalimitan din sa mga namamatay ay ang mga may edad na o iba pang sakit kaya nagkakaroon ng komplikasyon.

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang ina naman ang nagkuwento ng kanyang hirap bilang isang magulang ng batang may COVID-19.

Samantala, naiulat din ng KAMI ang hinagpis ng isang anak matapos mamatay ng kanyang tatay na OFW sa Saudi Arabia matapos nitong manghingi ng tulong online.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel