Mga anak na dentist at pharmacist, proud sa amang trike driver na napagtapos sila

Mga anak na dentist at pharmacist, proud sa amang trike driver na napagtapos sila

- Binigyang pugay ng isang dentista ang kasipagan ng kanyang ama na isang tricycle driver

- Sa kabila ng pangungutya ng ilan sa trabaho ng ama, ipinagmamalaki nila ito dahil sa napagtapos sila nito ng kolehiyo

- Maging siya ay hindi nakapaniwala na naigapang ng kanyang ama ang gastusin sa pag-aaral niya bilang maging isang dentista ngunit ni minsan ay wala siyang narinig na angal sa ama pagdating sa gastos

- Ang kapatid naman niya ay isa nang pharmacist at pareho silang naitaguyod ng kanyang ama dahil sa kasipagan nito at dahil na rin sa suporta ng kanilang ina

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Mga anak na dentist at pharmacist, proud sa amang trike driver na napagtapos sila

Photo: Marga Santiago Suobiron Source: Facebook
Source: Facebook

Viral ang post ng dentistang si Marga Santiago Suobiron na buong pusong ipinagmamalaki ang kanyang amang isang tricycle driver.

Nalaman ng KAMI na bukod sa pamamasada ng tricycle, magsasaka rin ang ama ni Dra. Marga.

Kwento ng dentista, ayaw pa sana niya noong kuning ang kursong dentistry dahil alam niyang malaki ang magagastos nila dito at baka hindi kayanin ng kanyang mga magulang.

Ngunit mismong ang kanyang ama pa ang nag-udyok sa kanya upang maging ganap siyang doktora.

"Humingi ako one time ng 20k pambili ng materials ko sa school. Sabi ko papa, kailangan ko ng 20k nextweek. Pambili ng dental materials. Di sya umaangal oo lng ng oo si papa"

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Malaking bagay din daw ang pa-iipon ng ama ng mga limang pisong barya sa kayang pamamasada at nilalaan sa pag-aaral ng mga anak.

Hanggang sa makapagtapos si Dra. Marga at maging ganap na dentista habang ang kanyang kapatid naman ay isang pharmacist.

Hinding hindi nila makakalimutan ang sakripisyo ng ama na bukod sa pamamasada ng tricycle ay nagagawa pang magsaka.

Laking pasalamat din nila sa suporta ng kanilang ina at iba pa nilang kaanak na tumutulong sa edukasyon nilang magkapatid.

"My father is a farmer and a tricycle driver and he's my real life superhero. Nothing can change that," pahayag ni Dra. Marga.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Binigyang linaw din ni Dra. Marga na nakatapos din ang kanyang ama ng marine engineering ngunit dahil sa kagustuhan masubaybayan ang paglaki ng mga anak, minabuti nitong magsaka habang namamasada.

Maaalalang minsang nag-viral ang isang Pinoy influencer matapos na hamakin nito ang pagiging isang tricycle driver na naibahagi pa niya sa kanyang vlog kaya naman naging kontrobersyal ito.

Humingi ng tawad ang vlogger matapos na mabatikos din sa kanyang mga nasabi tungkol sa tricycle drivers lalo na at marami sa mga pamilya nito ay may matatagumpay na mga anak na nagawa nilang maitaguyod sa kanilang kasipagan sa pamamasada.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel