Jang Lucero murder: Meyah Amatorio, itinangging nagtatago na siya

Jang Lucero murder: Meyah Amatorio, itinangging nagtatago na siya

- Itinanggi ni Meyah Amatorio na nagtatago na siya matapos akusahan ng ilan nang masangkot sa pagkamatay ng nobyang si Jang Lucero

- Mariin nitong pinasinungalingan ang mga paratang sa kanya at iginiit na inosente sa krimen

- Batay kasi sa pahayag ng ina ni Lucero, naniniwala ang pamilya ng yumaong dalaga na may kinalaman si Amatorio na brutal na pagpatay dito

- Inilapit na rin ng pamilya Lucero ang kaso sa NBI na nangakong agad aaksyunan ang kaso

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Itinanggi ni Meyah Amatorio na siya ay nagtatago na matapos akusahan ng ilan nang masangkot sa pagkamatay ng nobyang si Jang Lucero.

Matatandaang natagpuan ang bangkay ni Lucero sa Calamba, Laguna noong Hunyo na nagtamo ng 52 saksak ayon sa pulisya.

Sa programang "Tutok Tulfo" ni Erwin Tulfo kung saan naunang lumapit ang ina ng biktima na si Angela Lucero, mariing iginiit ni Amatorio na siya ay may kinalaman sa krimen.

Jang Lucero murder: Meyah Amatorio, itinangging nagtatago na siya

Photo from Facebook
Source: Facebook

"'Yung sinasabi po nila na nagtatago ako, hindi po totoo 'yun. Hindi po ako nagtatago, at bakit ako magtatago, wala naman akong ginagawang masama. At kung magtatago ako, para ko na rin sinabing guilty ako," anito.

Masakit din daw para sa kanya na sa gitna ng kanyang pagluluksa ay inaakusahan pa siya na may kinalaman sa krimen. Bukod dito, itinanggi rin nito ang pananakit diumano niya kay Lucero.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Siyempre po masakit sa akin kasi andun na 'yung nawalan ka ng mahal sa buhay tapos ikaw pa 'yung inaakusahan na may kasalanan. Hindi ko po kayang saktan ng gano'n 'yung girlfriend ko.
"'Yun pong mga sinasabi dun sa mga conversation nila na sinasaktan ko siya ay hindi naman po totoo 'yun," ayon kay Amatorio.

Sa kabila nito, naniniwala ang pamilya ng biktima na may kinalaman si Amatorio sa brutal na pagpatay kay Lucero.

Inilapit na ng pamilya sa National Bureau of Investigation (NBI) ang kaso at nangako naman ang ahensiya na agad aaksyunan ito.

Sa isa pang panayam kay Amatorio ng 24 Oras ng GMA News, emosyonal itong humarap sa camera.

Muli nitong itinanggi ang mga akusasyon sa kanya. Umapela rin ito sa publiko na tigilan na ang pagpapakalat ng "fake news" na nagsasangkot sa kanya sa krimen.

Labis na rin daw na naaapektuhan at nasasaktan ang kanilang pamilya dahil sa pagbabanta at paninira sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna noong June 28.

Ang dating karelasyon ng nobya nitong si Amatorio ang unang itinurong suspek at naaresto pa ng mga pulis matapos makakalap ng mga ebidensiya laban umano dito ngunit pinalaya rin.

Nanawagan naman ang ina ni Lucero na imbestigahan at huwag makalabas ng bansa si Amatorio.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel