Nanay ni Jang Lucero, may panawagan tungkol kay Meyah Amatorio

Nanay ni Jang Lucero, may panawagan tungkol kay Meyah Amatorio

- Nananawagan ang ina ni Jang Lucero na si nanay Angela ukol sa nobya ng pinaslang na anak na si Meyah Amatorio

- Hiling ni nanay Angela na ma-imbestigahan din si Amatorio at huwag makaalis sa bansa

- Naniniwala kasi ang pamilya Lucero na may kinalaman si Amatorio sa malagim na pagkamatay ng 34-anyos na si Jang Lucero

- Pero mariing itinanggi ni Amatorio ang mga paratang sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nananawagan ang ina ng yumaong si Jang Lucero ukol sa nobya ng anak na si Meyah Amatorio.

Hiling ni nanay Angela na ma-imbestigahan din si Amatorio kaugnay ng malagim na pagkamatay ng anak na natagpuang tadtad ng saksak sa kanyang sasakyan.

Lumapit ito sa programang "Tutok Tulfo" ni Erwin Tulfo at humingi ng tulong para sa kaso ni Lucero.

Nais din ng ginang na huwag makaalis sa bansa si Amatorio at iba pang sangkot habang umuusad ang kaso ng anak.

Ina ni Jang Lucero, may panawagan ukol kay Meyah Amatorio

Photo from Jang Lucero Facebook account
Source: Facebook

"May nagsabi kasi sa akin, nagsusumbong sa akin na ano... sinasaktan siya [Jang] sa likod. Sa akin lang hindi pwedeng mawala siya [Amatorio], kasi siya ang unang-unang imbestigahan bakit nangyari na pinatay ang anak ko," ani nanay Angela.
"Nananawagan po ako na baka mamaya ah... maano siya, makalabas ng ibang bansa. Nananawagan po ako na iano siya sa... paliparan na baka mamaya hindi natin alam na nakalipad na," dagdag pa ng ginang.

Naniniwala kasi ang pamilya Lucero na may kinalaman si Amatorio sa brutal na pagpatay sa 34-anyos na car pool driver.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa pag-iimbestiga ng programa ni Tulfo, lumalabas na bago mamatay ang biktima ay nais na umano nitong makipaghiwalay sa nobya.

Ayon naman sa acting spokesperson ng Bureau of Immigration na si Melvin Mabulac, wala silang kakayahan na pigilan si Amatorio sakali mang lumabas ito ng bansa sa ngayon, maliban na lamang kung may hold departure order mula sa korte.

Samantala, sa isang panayam ng programa kay Amatorio, mariin nitong itinanggi ang mga paratang laban sa kanya.

Nasasaktan din daw ito sa pangyayari lalo pa at nagluluksa pa siya sa pagkamatay ng nobya.

Iginiit din nito na hindi niya kayang patayin si Jang.

Siniguro naman ng PNP Laguna na inaaksyunan nila ang kaso ng pinatay na dalaga at bumuo na ng isang task force para tumutok dito.

Hindi rin daw sila maaaring magbigay ng anumang detalye sa ngayon para na rin maiwasang maapektuhan ang kanilang imbestigasyon.

Narito ang video clip ng nasabing Tutok Tulfo episode mula sa netizen na si Michelle Locsin:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Jang Lucero ang 34-anyos na dalagang natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng kanyang sasakyan sa Calamba, Laguna noong June 28.

Ang dating karelasyon ng nobya nitong si Amatorio ang unang itinurong suspek at naaresto pa ng mga pulis matapos makakalap ng mga ebidensiya laban umano dito ngunit pinalaya rin.

Kamakailan lang ay lumapit sa NBI ang kaanak ni Jang na naniniwalang may kinalaman si Amatorio sa krimen.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel