Yari! Babaeng positibo sa COVID-19, tumakas at nakipaghabulan pa

Yari! Babaeng positibo sa COVID-19, tumakas at nakipaghabulan pa

- Dinampot ng mga awtoridad ang isang babaeng COVID-19 positive matapos itong tumakas at makipaghabulan

- Sa isang video, makikita ang babae habang nasa damuhan pa sa Barangay Greater Lagro sa lungsod ng Quezon

- Ayon naman sa isang residente na nakasaksi sa insidente, nakipaghabulan ito sa ilang kalalakihan at namalo pa umano ng dalawang sasakyan

- Sa pag-iimbestiga naman ng QC LGU, napag-alamang tumakas ang babae mula sa isang hotel na ginawa na palang isolation area ng mga nagpositibo sa virus

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dinampot ng mga awtoridad ang isang babae sa Quezon City na isa palang COVID-19 positive matapos itong tumakas at makipaghabulan pa.

Sa isang video na ipinakita sa 24 Oras ng GMA News, makikita ang babae habang nasa damuhan pa sa Barangay Greater Lagro.

Yari! Babaeng positibo sa COVID-19, tumakas at nakipaghabulan pa

Photo screen grab from 24 Oras
Source: Facebook

Ayon naman sa isang residente na nakasaksi sa insidente, nakipaghabulan ito sa ilang kalalakihan at namalo pa umano ng dalawang sasakyan.

Maya-maya pa ay dumating na raw ang mga pulis at ilang nakasuot ng PPE at kinuha ang babae.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Lumabas naman sa ulat na tumakas ang nasabing babae sa isang hotel sa lungsod na ginawang isolation area na pinangangasiwaan ng Bureau of Quarantine ng Department of Health (DOH).

Pero ayon sa Quezon City LGU, ang alam nila ay nagsisilbi lamang itong quarantine facility para sa mga overseas Filipino worker (OFW) na naghihintay ng resulta ng kanilang COVID test.

Kaya naman laking-gulat daw ng QC LGU nang malamang isolation area na pala ito ng mga positibo sa virus.

Dagdag pa ng QC LGU, naiwasan daw sana ang insidente kung naisangguni sa kanila ang tungkol dito.

Ayon naman sa abogado ng hotel na si Atty. Harold Respicio, naka-quarantine na muli ang babae na dumaan mula sa kanilang backdoor at nagdagdag na rin daw sila ng security personnel.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Hindi na bago ang ganitong insidente kung saan tumakas ang isang taong positibo sa coronavirus disease.

Dati nang naiulat ang isang babae na nakipaghabulan pa sa mga pulis sa San Juan matapos malamang positibo siya sa virus.

Samantala, pumalo na sa 72, 269 ang total number of cases sa Pilipinas. 23,623 naman ang naitalang recoveries, habang umabot na sa 1, 843 ang nasawi.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel